Chapter 1: I don't love you

515K 9.2K 2.4K
                                    

"I don't love you. I'm sorry."

Pangatlo. Pangtalong beses ko nang makipagbreak sa nakalipas na dalawang buwan at tatlong araw. Parang naging malaking joke na ang love life ko. Grabe na 'to ha.

Nakakainis naman kasi. Sa tatlong naging boyfriend ko.. hindi man lang ako nakaramdam ng kakaibang feeling. Wala 'yung spark. Walang 'yung fireworks. Wala 'yung butterflies sa tiyan ko. Wala 'yung heartbeat na nakikipagkarera sa kabayo. Wala rin 'yung music. Wala rin 'yung nagiging blurry ang paligid tapos mag sloslow motion ang lahat. Wala 'yung napapanuod ko sa mga movies at 'yung mga nababasa ko sa mga libro.

"Teka. Joke ba 'to?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang. Natawa siya saka ako inilingan, "Ganun na lang 'yun? Wala pa tayong tatlong linggo tapos nakikipaghiwalay ka na?"

"Wala nga kasi 'yung love, okay? Naglolokohan lang tayo dito. Pero sige. Para fair sa 'yo, ganito na lang. Tatanungin kita at kapag sumagot ka ng 'oo', hindi na ako makikipaghiwalay."

"Shoot."

"Mahal mo ba ako?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin kaysa sagutin ang tanong ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Walang love kaya paano magwowork ang kung ano man ang mayroon kami?

Napangiti na lang ako sa naging reaksyon niya, "See? We don't even love each other so what's the point in continuing this relationship? Paano ba 'yan? Break na tayo. Sige, see you around na lang."

Kinuha ko ang bag ko at saka lumabas ng coffee shop. Nakakatawa na lang. Pumasok akong may boyfriend tapos lumabas akong single. At least natapos na ang pakikipaglokohan sa kanya pati na rin sa sarili ko.

"Hindi ko makita ang point sa ginagawa mo, Ash." tanong sa akin ng bestfriend ko na hinihintay ako sa labas ng coffee shop. Si Margarette Salvador, Marga for short.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero ngayon ay sumabay na siya sa akin. "Bakit ba kasi nagboboyfriend ka pa kung hihiwalayan mo rin naman pala? Kung ako sa 'yo, mag-eenjoy na lang ako sa buhay single. Walang hassle. Fun lang."

"Wala ngang hassle pero na-o-OP naman ako sa inyo. Nakakainis kaya."

Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nakikita mo ang mga taong nakapaligid sa 'yo na masaya sa kani-kanilang love life at pareparehas in love, samantalang ako.. ito at mag-isa.

It was on my brother's graduation nang magsimula akong makaramdam na parang may kulang. Magbuhat kasi nung nagcelebrate kami dahil nakagraduate na si Kuya Ice kasama ang barkada niya at ang ate ko, doon na ako nakaramdam ng inggit. Paano naman lahat ng kasama ko that time may kapartner.

Si Kuya Ice may Ate Zoe. Si Ate Cass may Kuya Ry. 'Yung mga barkada nila magkakapares din samantalang ako.. ayun, pinapanuod lang ang ka-sweetan nila sa isang gilid.

So naisip ko na bakit hindi na lang din ako maghanap ng boyfriend para makasabay ako sa kanila. Kaya ang nangyari, sa nakalipas na tatlong buwan, humanap ako ng boyfriend. Naghanap ako ng taong makakasama ko kapag umaalis kami para hindi ako ma-OP sa kanila. Kaya lang wala rin e. Nandoon pa rin 'yung feeling na may kulang. Tapos naisip ko.. siguro kasi wala 'yung love. Wala 'yung totoong saya. Parang nagkaroon lang ako ng kasama pero wala na. Ayun na 'yun.

"Alam mo kasi, Ash, hindi mo naman pinipilit ang bagay na 'yun.  Maghintay ka na lang at kusa namang darating 'yan."

"Maghintay? Mali kaya. Dapat kumilos ka. Hindi 'yung naghihintay ka lang. Kasi ang taong lagi lang naghihintay, naiiwanan ng panahon."

Sa totoo lang ilang beses na akong nasermonan ng mga tao sa paligid ko kakahanap ng magiging boyfriend ko. All my life nakakatatlong boyfriends pa lang ako at ang tatlong 'yun ay naging boyfriend ko lang noong nakalipas na dalawang buwan.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now