Chapter 27: Another Story

125K 4.8K 171
                                    


Nagkaayaan kami nila Aubrey at Marga magpunta sa mall malapit sa amin. Kahit wala ako sa mood ngayon, pumayag pa rin ako kasi nagbabakasali ako na mawala ang kung ano mang mga iniisip ko.

I'm too young for this – too young for these thoughts.

Si Ate Cass noong ganitong edad pa lang siya, Phineas and Ferb lang ang pinagkakaabalahan niya. Wala siyang mga iniisip na ganito. Maski si Kuya Ice wala pa rin. Siguro after ilang months saka pa lang siya nag-isip ng kung ano man ang iniisip ko.

"Parang may mali," sabi ni Marga kaya napahinto ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na nasa likod ko pala ang dalawa at mga humintong magsilakad. "Usually, kapag nasa mall tayo, ako o si Ash lang ang maingay."

Lumapit ako sa kanila at napailing na lang.

"Ngayon ikaw na lang," sagot ni Aubrey sa kaniya.

"Si Ash ang mag-aaya sa kung saan saang boutique para magsuot ng kung anu-anong damit pero in the end, wala namang bibilhin kahit isa."

"Ngayon hindi siya nagsukat kahit nagsukat tayong dalawa."

"Si Ash ang magpapasama sa bookstore tapos uupo pa siya sa gilid para basahin ang mga nasa likod ng libro."

"Ngayon hindi siya pumasok sa kahit na anong bookstore o nagbasa ng kahit na anong libro."

"Si Ash ang numero unong mag-aaya na kumain kasi gutom at pagod na raw siya."

"Ngayon kahit kanina pa tayo paikot-ikot hindi pa rin siya nag-aaya."

Napatango silang dalawa kaya napakunot ang noo ko. Nagkatinginan pa sila sandali at saka ibinalik ang tingin sa akin, "Anong problema mo?" sabay na tanong nila.

"Wala," masyadong mabilis kong sagot.

"Sinong niloko mo?"

"Wala nga. Sige, tara na magsusukat na ako tapos diretsyo tayo sa bookstore tapos kain na tayo. Ayan. Okay ba 'yon?"

"Shut up," irap sa akin ni Aubrey at saka nila ako hinawakan sa braso ko at hinila papasok ng kainan. "I'm starving."

Umorder kaming tatlo at habang naghihintay ng pagkain ay tinanong na naman nila ako kung ano ang problema ko.

"Ikaw muna, Marga. Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Rocco kahapon?" tanong ko.

"Oo nga pala. You forgot to make kwento."

Nagkibit-balikat siya, "Kami pa rin," at saka uminom.

Nagkatinginan kaming tatlo at saka ipit na ipit na tumili. Buti na lang nagkabalikan sila. I'm so happy for them.

"Paano?"

"Ewan ko ba. Basta napag-usapan lang namin na mahal pa rin namin ang isa't isa. Na hindi lang kami nagkaintindihan last time kasi parehas hindi maayos 'yong isip namin noon. Na ni minsan hindi niya ako niloko o hindi siya natempt lokohin ako kahit ganito pa ako. Na hindi ako nagdoubt sa love niya para sa akin. Doon lang talaga ako sa babae nagduda. Na nilinaw na niya sa babae na may girlfriend siya at kung may gusto siya sa kaniya, humingi na siya ng pasensya kasi hinding hindi niya ako ipagpapalit at nakiusap pa siya na huwag na lang siyang lapitan ng babae o kung magbalak man siyang lumapit ay lalayo na si Rocco sa kaniya."

I'm so proud of them.

"Alam niyo, give and take, forgive and forget, make up and move on, love and be loved lang naman ang kailangan para patagalin ang isang relasyon. I'm glad naperfect na namin 'yan ni Rocco. We're in love with each other. We can't give up this relationship. It's worth the fight naman."

Who would have thought na sasabihin to ni Marga pagkatapos ng lahat ng selos na dinanas niya noong mga nakaraan?

"So, ayon. Nasabi ko na ang akin. Ikaw, Ash, ano na?"

"Anong ano na?"

"Kayo ni Phoenix. What's with you two?" taas-babang kilay na tanong ni Marga.

"Oo nga. Are you guys a couple na ba? If not, kailan mo siya balak sagutin? I bet it's soon na, 'no? After all, who could resist his efforts and charm?"

Napangiti ako at hindi agad sinagot ang tanong nila.

Si Phoenix.. siguro siya na ang pinakamalapit sa ideal guy ko. Sa observation ko pati na rin nila Marga, mukha naman siyang seryoso. 'Yong way din ng pag-care niya, sobrang sweet na kahit sino naman atang babae ay kikiligin. Hindi man siya sobrang talino pero hindi rin naman siya bobo. Hindi siya kasali sa sports club pero may pagkaathletic din naman siya. At kahit na simula palang nireject ko na siya, hindi pa rin siya sumuko at pinakitang pursigido siya.

"'Yong pagiging seryoso ni Kuya Ice, pagiging sweet ni Kuya Xander, pagiging athletic ni Kuya Josh, pagiging pursigido ni Kuya Ry, pwera ang pagiging sobrang talino ni Kuya Ken, lahat 'yon qualities ni Phoenix. Bonus pa nga na sobrang nice niya."

"Lahat 'yan 'yong qualities na you're looking for a guy, right?" tanong ni Aubrey kaya tumango ako.

"Sige, dugtungan mo na, Ash. Kaya lang? Kaya lang, ano?"

Napangiti ako sa sinabi ni Marga. Sobrang kilala na talaga niya ako.

"Kaya lang kasi hindi ko makita ang sarili ko na girlfriend ni Phoenix. Hindi ko siya makita bilang higit pa sa isang kaibigan."

"What? But he's so nice and – "

"Yes, Aubrey. He's nice and all kaya lang hindi naman pwedeng gano'n lang. Hindi pwedeng sagutin ko siya dahil lang sa mabait siya, handa siyang maghintay sa akin at lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kaniya na. Relationships don't work that way. You won't settle for someone you don't love because in the end you'll just hurt his and your feelings."

"Ash.."

"Kung may natutunan ako sa lahat ng kalokohang ginawa ko noon, ayon ay ang masigurado na papasok lang ako isang relasyon kasi mahal ko ang isang tao at nakikita ko ang sarili kong masaya kasi kasama ko siya."

Napangiti sila sa sinabi ko at tinapik naman ako ni Marga sa likod, "You've grown. I'm so proud of you."

***

Huminga ako ng malalim at napakunot ang noo ng taong nasa harap ko. Si Phoenix. Ang payo sa akin nila Marga at Aubrey ay dapat ko raw kausapin si Phoenix tungkol sa nararamdaman ko. Kaya ito na.. kakausapin ko na talaga siya.

Kaya lang bakit hindi ako makapagsimula? Hindi ko magawang magsalita.

"Alam ko na," sabi ni Phoenix habang seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti siya pero unlike sa ibang ngiti niya, hindi man lang umabot sa mata. "Alam ko na ang gusto mong sabihin."

"Paanong – "

"Nararamdaman ko lang. Sasabihin mo na hindi mo ako kayang makita bilang higit sa kaibigan. Oo, gusto mo ako. Hindi sa nagfifeeling pero alam ko naman na talaga 'yon. Kasi kaibigan mo ako. At hindi mo ako gusto sa paraan ng pagkagusto ko sa 'yo. To make the long story short, babastedin mo ako at papatigilin mo na ako sa panliligaw ko sa 'yo. Tama 'di ba?"

Napayuko ako at napatango.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at nag-unat, "Ayan, medyo handa na ako. Pwede mo ng sabihin sa harapan ko na basted ako."

"Phoenix – "

"Kapag hindi kasi ikaw ang mismong nagsabi, kahit alam ko na, baka ipilit ko pa rin ang sarili ko sa 'yo."

Mahirap sabihin sa kaniya 'to kaya lang sobrang selfish ko naman na ata kung pati 'yon ipagkakait ko pa sa kaniya. He needs to hear it from me.

"Sige. For you," sabi ko at huminga ng malalim. "Phoenix, I'm sorry pero itigil mo na ang panliligaw mo sa akin. Kasi we're better off as friends."

Nginitian niya ako at ginulo ang buhok, "Thanks, Ash."

Halos ayos na ang barkada. Si Rocco at Marga, masaya na at balik na sa dati. Kami ni Phoenix walang naging ilangan kahit na hindi nagwork out 'yong sa amin. Si Aubrey naman, hindi na pa mean girl tulad ng dati. Si Jaydee.. well. Jaydee is another story.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now