Chapter 5: Offer

232K 6.5K 826
                                    

"Wala ka pa lang kwenta e."

Napairap ako sa pambwibwisit ni Rocco. Kanina pa ako binibwisit ng taong ‘to. Sasabihan ako ng walang kwenta tapos bigla na lang tatawa ng malakas. 

Ano ba ang ginawa kong mali at bakit parang pinaparusahan ata ako? First day na first day pa man din tapos puro kabwisitan na ang nangyayari sa araw ko.

“Ano ba ang nangyari kanina at kanina ka pa pinagtatawanan nito?” bulong sa akin ni Marga at itinuro ang boyfriend niya.

“Wala. Nangbwibwisit lang ‘yan.”

"Hoy, Ash! Hindi wala ang tawag dun. Ang tawag sa nangyari kanina, barado!"

Inirapan ko na lang ulit ang bwisit na lalaking ‘to. Kung hindi lang talaga siya boyfriend ng bestfriend ko malamang kanina ko pa ‘to sinaktan e.

Para matigil ang pang-iinis niya sa akin at para mahinto ang pagkabadtrip ko, umalis na lang ako sa cafeteria. Hindi naman sa napipikon ako. Sadyang nakakainis lang siya at mali ang araw ng pang-iinis niya.

If I know naman sinasadya lang niyang inisin ako para kapag napikon ako, aalis ako at maiiwan na silang dalawa ni Marga. Modus din niya ha.

Nagpunta ako sa music room kasi tahinmik lang doon at walang tao. Umupo ako sa harap ng piano at tinitigan lang ‘yun.

Nasa pamilya naming ang mahilig sa music. Mayroon kaming kanya kanyang instrument na kinahihiligan. Wala e. Lahing Scott kaya ako. Perfect package na sana. Maganda ako at matalino. Hindi na ako magpapakahumble. Mabait din ako sa mabait sa akin at may talent ako. Kaya lang unlike kay Kuya Ice at Ate Cass, hindi ako biniyayaan ng matinong boses. Pero okay na rin ‘yun. Hindi ko naman pwedeng angkinin lahat ng magagandang biyaya sa mundo. Hindi naman ako ganun kaselfish. Kailangan ko rin magtira para sa iba.

Tutugtog na sana ako nang may kumaluskos sa gilid ko. Hindi ako matapang na tao. Takot ako sa mga multo. At sa gantong sitwasyon, natatakot na ko. Aba, ako lang mag-isa dito sa music room tapos may biglang tutunog.

Pakiramdam ko tuloy nasa horror movie ako. ‘Yung tumahimik ‘yung lahat. Wala talagang maririnig na kahit ano. Kunyari humangin ng kaunti na nagpataas ng balahibo ko. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Dahan dahan kong kinuha yung music sheet na nasa may piano. Ayun ang pinakafail na weapon na magagamit ng isang tao pero ayun lang ang meron ako. Dahan dahan akong lumapit sa kung saan ko narinig ang tunog.. sa likod ng kurtina.

Unti-unti kong hinawakan ang kurtina para sana mahila ‘yun, kaya lang bago ko pa man din mahawakan ‘yun, bigla na lang may lumabas.

Napatili ako at halos atakihin sa takot. May pakinabang na rin ‘yung music sheet na kinuha ko at ginawa kong pamalo sa ulo ng kung sino man 'to. Lumalaban ang multo. Aray din siya ng aray. Nasasaktan pa ba ang multo? Natigil ako sa pagpalo nang hawakan niya ako. Shet! Bakit hindi lumalagpas ang kamay niya?

"What the hell is wrong with you?!"

Hala? Sumisigaw na multo? Sosyal pa. Foreigner ‘yun multo. English speaking.

Binuksan ko ang mata ko at nagsalubong ang kilay ko nang sumalubong ang pagmumukha ni Drake or Jaydee. Or Drake. Whatever.

"Bakit ka ba kasi nandyan?!"

"Walang nagbabawal." Kailan ba siya matututong sumagot ng matino? Nakakairita na ha.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon