Chapter 20: Possible

151K 5.8K 1K
                                    


One month later...


Nang i-check ko ang phone ko paggising ko, message na naman galing kay Phoenix ang bumungad sa akin. Halos isang buwan na rin na araw-araw at walang mintis niya akong itetext ng "good morning" messages. Hindi pa nga makukuntento 'yan kasi kapag gabi naman bago matulog ay mag-gogoodnight siya.

Sometimes he'll remind me rin to eat my breakfast, lunch, merienda or dinner.

Minsan nga naiisip ko may gusto na siya sa akin dahil sa sweetness na pinapakita at sinasabi niya, but then again, tatanggalin ko rin sa utak ko 'yung idea na 'yun. We're friends. Nothing more. Nothing less. Baka sadyang sweet lang siya sa akin kasi halos bestfriends na kami.


May pasalubong sila Mama galing sa bakasyon nila sa Switzerland. Gusto mo?


Speaking of the devil. Ayan na nga. Nagtext na naman. Patulog na lang hahabol pa.


Ano ba 'yan? reply ko sa kaniya.

Chocolates. Ano magdadala ba ko bukas?

Oo naman! Asahan ko 'yan ha. Sige, inaantok na ko. See you tom.

Goodnight, Ash. See you tom. :)


When I woke up the next morning, wala pa ako agad nareceive na message from him. Pero after ko maligo ay nakita ko na na nagmessage pala siya.


Good morning. See you later. :)


Dahil sa magkikita rin naman kami mamaya, hindi na ako sumagot sa message niya.

On the way to school ay naflatan kami kaya na-late ako ng bongga sa class. 10 minutes late na ako sa first class namin at nang makarating ako doon ay nagsisimula na sa discussion ang teacher.


"Sorry, ma'am, I'm late. Naflatan po kasi kami."


Good thing mabait 'yung teacher ko sa first subject. Kung sakaling terror 'to hindi ko na talaga babalakin pumasok. Paniguradong papagalitan lang ako non sa harap ng klase at pag-iinitin buong period. Huwag na lang.

Agad akong chinika ni Marga pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya. Hindi ko pa nga naibababa ang bag ko ay nagtanong na agad siya kung bakit nalate ako. Halatang hindi nakikinig ang babaeng 'to. Kakasabi ko nga lang na naflatan kami.


"Nga pala, nagdaan kanina dito si Phoenix. Hinahanap ka."

"Bakit daw?"

"Anong malay ko?" Pinanliitan niya ako ng mata at unti-unting lumapit sa akin. "Aminin portion na 'to. Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo ni Phoenix? Hindi ka ba nililigaw non?"


Hindi ko alam kung may sapi ba ang babaeng 'to o ano. Ang tagal tagal na namin magkakasama ngayon pa ba siya mag-iisip ng gano'n sa amin ni Phoenix?


"As far as I know, hindi niya ako nililigawan."

"How sure are you?"

"Gusto mo bang i-enumerate ko pa kung bakit sure akong hindi?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya sa tanong ko, "First, sweet siya sa akin as a friend or bestfriend. Bestfriend bukod sa 'yo. Second, hindi basehan ng panliligaw ang messages niya. Good morning at goodnight? Tingin mo kapag nagtext ng gano'n nanliligaw na? Kung oo, aba, bongga. Ang haba na siguro ng hair ko sa dami kong suitors. Third, hindi 'yan basta basta nanliligaw. Kapag sigurado na siya sa taong liligawan niya, saka palang 'yan gagawa ng move. Kaya never pa nagkagirlfriend. Fourth, hindi naman siya nagsabi o nagtanong na liligawan niya ako. Fifth, hindi ako assuming at feelingera. Hindi na."

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now