Twenty Two

1K 25 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

Callisto Bautista's Point of View

Masakit na ang lalamunan ko dahil sa kakasigaw. It's our foundation day at kasalukuyang naglalaro ang Criminology Department at ComSci Department ng basketball men.

Sa ngayon, 79 - 85 ang score, lamang sina Mahal. Dahil sa kanya, parang bigla akong nagkaroon ng interes sa basketball.

"Shoot that ball! Shoot that ball!" the crowd shouted in chorus nang itinatakbo ng kasama nina Liam ang bola upang i-shoot sa ring.

Nang malapit na ito sa ring ay biglang humarang ang isang taga-Crim Dep't pero mabilis na ipinasa nito ang bola kay Liam. And the crowd got wild nang mabilis na tumalon si Liam at dinunk ang bola sa ring.

I could almost feel the vibrations inside the gym dahil sa pinagsama-samang hiyaw, sigaw, tili at talunan ng mga estudyante—particulary sa bandang ComSci Dep't.

Wait, what? Did they win? Did they win? Oh my gosh! Aaaaaah!

Nakisama na ako sa mga tumitili. Wala akong pakialam kahit ang chaka ng tili ko, basta! I am so proud of him, my bebelabs! Siya ang last na nag-shoot diba?

Nakita kong binubuhat si Liam ng mga ka-team niya and they look so happy dahil sa pagkapanalo nila.

Nang ibaba nila si Liam ay nagpalinga-linga siya at parang may hinahanap sa crowd. Hinintay kong dumako ang paningin niya bandang kinauupoan ko at hindi nagtagal ay nahagip na niya ako ng paningin.

He smiled proudly pagkatapos ay tumakbo palapit sa kinaroroonan ko.

Nang makalapit siya ay nakangiti siyang tumayo sa harapan ko. Dahil nakaupo pa ako ay nakatingala ako sa kanya. His smile is contagious kaya napangiti narin ako.

Isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niyang basa sa pawis pagkatapos ay yumuko at bumulong sa'kin.

"Hindi mo ba ako iko-congratulate, mahal?" he whispered and I felt chills down my spine. Muli siyang at parang naghintay ng kung ano.

Gusto ko sana siyang yakapin ng napakahigpit pero nahihiya naman ako dahil sa dami ng tao. I'm not that flamboyant. And I'm not into PDAs.

Kaya sumenyas ako sa kanya na nahihiya ako kasi madaming tao. Mukhang na-gets naman niya dahil tumingin-tingin siya sa mga taong katabi, na nakatingin pala sa'min.

Maya-maya ay sumimangot siya at mabilis na tumalikod. Pero agad kong hinawakan ang kamay niya at marahang hinila pabalik.

Nang maiharap ko siya sa'kin ay mabilis akong tumayo at agad na yumakap sa kanya. I heard the gasps of the people beside us. But I don't care, I love it!

Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Liam. Naamoy ko ang pawis niya na nahaluan ng pabango. It smells, ah, good! Yumakap din siya sa'kin and I heard him chuckle.

"Mahal, dami na nakatingin oh. Sige na, di na ako magtatampo. Balik na ako sa mga team mates ko," sabi niya kaya tumingala ako at tiningnan ang mukha niya. Ang init na kasi ng pisngi ko dahil sa sinabi niyang madami nang nakatingin sa'min. Gosh! I am such a biatch.

Hinipan niya ang mukha ko kaya napapikit ako kasabay ng mahinang  pagyugyog ng katawan niya at mahinang tawa niya.

"Sige na. I love you. And thanks for being here, ikaw ang inspirasyon ko sa paglalaro," he said.

Aww Eros, Greek god of love, son of Aphrodite, tama na ang pagpana dito sa taong ito. Ang kurne na eh? Haha.

Ayoko pa sanang bitawan siya para maitago ko pa ang mukha ko pero wala akong magagawa. Bumitaw ako sa pagkakayapos ko sa kanya.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now