Sixteen

1K 26 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Callisto Bautista's Point of View

Pakiramdam ko ay biglang napalis ang boredom na nararamdaman ko kani-kanina lang.

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng bahay.

At sa pagsama ni Liam sa akin doon ay parang naging mas maningning ang mga nagkalat na bituin sa langit. Ang buwan ay parang nakangiti at ang ulap ay nagsialisan upang hindi matakpan ang liwanag ng buwan at mga bituin. Naks, korni!

Matapos kong punasan ang likod niya na basa ng pawis—na hindi ko malaman kung bakit siya pawis na pawis—ay nagpaalam siya na may kukunin lang sa kwarto at babalik din agad.

Wala pang tatlong minuto ay bumalik nga siya. Kinuha lang pala niya ang sigarilyo niya sa bag. Nagsindi siya at humithit.

Alam kong naninigarilyo siya at okay lang naman iyon sa akin kasi hindi siya 'yong masasabi kong adik sa yosi. Tig-isang stick lang ang napapansin kong hinihithit niya araw-araw.

"Anong lasa?" hindi ko maiwasang tanungin habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo niya habang nagbubuga siya pataas ng usok na pabilog. Mukha itong modelo.

Nilingon niya ako. "Hindi ko masasabing masarap," tumigil siya ng ilang segundo na parang biglang may naisip. Pagkatapos ay mabilis siyang umiling. Ang weird niya!

"But it's good. Lalo kapag busog na busog ka at nagyosi ka. But don't ever try it. 'Wag mo akong gayahin," tuloy niya bago muling humithit. Iwinagayway ko ang kamay sa harapan ng ilong ko para mapalis ang mga usok na nagpupunta sa direksyon ko.

"Of course! Ayoko niyan. Wala naman akong makukuha diyan kundi nicotine eh," sambit ko.

Muli ko siyang tinitigan sa paghithit-buga niya ng usok. Natutuwa ako kapag nagbubuga siya ng perfect circle na usok.

Hindi ko na namalayan na nakatitig na lamang ako sa kanya at pinagmamasdan ang gwapong mukha niya. Mula sa makapal na kilay hanggang sa mapupulang labi niya. Teka, bakit ganun parin ang kulay niyon? Ang alam ko ay maitim ang labi ng mga nagyoyosi.

Tumaas ang tingin ko sa ilong niya. Dahil nakatagilid ay kitang-kita ang magandang korte niyon. Medyo matangos. Ako ay maliit pero hindi rin naman 'yong masasabing pango.

Lumingon siya sa'kin kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon. Pero pakiramdam ko ay siya naman ang nakatitig sa akin ngayon.

"Cali—" bahagya pa akong napaigtad sa pagtawag niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya.

"O?"

"Pwedeng magtanong? Pero promise mo, 'wag mo akong uupakan ah?" sabi niya. Napatawa ako ng mahina.

"Siguraduhin mo lang na maayos 'yang tanong mo dahil uupakan talaga kita," banta ko. Napangiwi siya.

"'Wag nalang pala," bawi niya. Lumakas ang tawa ko.

"Biro lang. Sige na, ano 'yong tanong mo?" sabi ko.

"Sure ka?" paninigurado niya. Tumango lamang ako.

"Uhm, ano, Rated SPG 'yong tanong ko eh," sabi niya.

"Saang kategorya nabibilang ang tanong mo? Sa tema, lenguahe, karahasan, sekswal, horror o sa droga?" natatawang tanong ko. Natawa rin ito at dahil doon ay parang nagtayuhan ang mga buhok ko sa batok.

"Sekswal," maikli niyang sagot.

"Ah, I see. So anong tungkol sa sex ang itatanong mo sakin?" pinilit kong 'wag makakaramdam ng pagkailang.

"Nakailan kana?" tanong niya.

"Ng?" clueless na balik-tanong ko.

"Ng sex experience."

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon