Thirteen

1.1K 22 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Lee Amiro Sabrosa's Point of View

Kung hindi pa kami sumama kay Cali pauwi dito sa lugar nila ay hindi ko malalaman na sobrang sweet pala niya sa pamilya niya. Hindi ko maiwasang mapangiti at ma-amuse sa magkuya habang tinitingnan ko sila.

"Naku, pasensiya na kayo sa magkapatid na 'yan ah. Ganyan talaga ang mga 'yan," narinig kong paumanhin ng nanay ni Cali kaya nilingon ko siya, nahalata siguro niya na nakatitig lamang kami sa magkapatid.

"Okay lang ho-"

"Nanay Lilia, tawagin niyo na lang akong Nanay Lilia," singit ng nanay ni Cali. Tipid akong ngumiti bago sumagot.

"Okay lang ho Nanay Lilia. Ang cute nga nilang tingnan eh," tuloy ko sa sasabihin bago kumagat sa suman na nakalagay sa platito.

Hindi ko maiwasang muling kumagat nang malasahan ang sarap ng kakanin. Ilang kagat lang ang ginawa ko sa suman na nasa platito ko.

Hindi ko maikakailang gutom ang dahilan kaya napabilis ang pagkain ko. Pero masarap din talaga ang suman na meryenda namin ngayon.

"Ubos mo agad? 'Nay, suman pa nga ho!" pasigaw na sabi ni Cali sa nanay niya na noon ay nasa may lababo at may hinuhugasan.

"Kumuha ka nalang sa ref, anak. Marami pa dun," sagot ng nanay niya.

Agad namang tumayo si Cali habang buhat ang kapatid at dumiretso sa maliit na pridyider. Naglabas siya ng maliit na bilao na may nakalagay na suman. 'yong bilaong parang pinaglalagyan ng pansit na nabibili namin sa bayan.

Dinala niya iyon sa lamesa.

Tinitigan ko lamang ang pagkain dahil nahihiya akong kumuha. Napansin naman iyon ni Cali kaya ipinaupo niya ang kapatid niya sa isang silya at siya na mismo ang naglagay ng suman sa platito ko at ng kay Eric.

"Kain lang ng kain. Masarap ba?" tanong niya sa amin ni Eric. Agad kaming tumango-tango bago muling nilantakan ang suman.

Halos nakaapat na hati ako ng suman. Sumasakit na ng ang tiyan ko dahil sa busog. Unlike any other sumans he tasted before, ang suman na hinanda nina Cali ay hindi agad nakakaumay.

"Grabe! Busog na busog ako dun ah," sabi ko habang nakaupo sa sala.

Iginala ko ang paningin sa kabuoan ng bahay nina Cali. Hindi ito gaanong malaki pero mas maganda pa yatang tingnan ito kesa sa bahay namin.

Malinis ito at ang mga kagamitan ay nasa tamang pwesto at ayos. Kongkreto din naman kahit papano. The floor is covered with plastic mats. May TV, may refrigerator at iba pang modernong kasangkapan. Sa dingding naman ay may mga nakasabit na picture frames.

Dahil sa nakita ko ay tumayo ako at nilapitan ang mga iyon. Iba't-ibang picture ang nandun; picture ni Nanay Lilia nung dalaga pa siguro siya, tapos ay ganun din kay Tatay Ador at mga pictures ng baby. Hindi ko alam kung sinong baby iyon. Kung si Colossus ba o si Cali. May mga graduation pictures din ni Cali.

Iginala ko pa ang paningin sa mga pictures at isang larawan ang nakatawag sa aking pansin, isang batang lalaki na nakasuot ng bestida habang basa ng luha ang mga mata tapos ay nakasimangot. Napaka-cute niya at hindi ko mapigilang mapangiti.

"Guys-" narinig kong pagtawag mula sa likuran ko. Parang natigil iyon sa anumang sasabihin kaya nilingon ko ito, si Cali na nakakunot-noo.

"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Ikaw ba 'to?" tanong ko at itinuro ang litratong tinitingnan ko kanina. Bumaling ang tingin ko mula sa litrato hanggang sa mukha ni Cali na nakatingin sa litratong turo ko. Napakagat-labi siya at bahagyang namula ang pisngi.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now