Three

1.4K 32 0
                                    

CHAPTER THREE

Kevin Alexander Baverino's Point of View

Hi guys! It's my time to speak naman. Kilala niyo na ako? Ako si Alexander the Great! Hahaha. Joke lang, Alex nalang itawag niyo sa'kin.

Anyways, 'eto nga ako ngayon, kasama sina Janine at ang dalawang kaibigan niya. Nakakailang kasi kanina pa sila nagtatawanan while we are heading to our school. At nung makarating kami, niyaya niya ako sa canteen to have a snack.

Bilang friendly (at gwapo), pumayag naman ako. 2:30 palang naman.

Madaldal pala itong babaeng 'to.

Marami-rami kaming napag-usapan dahil nagkukuwento siya kahit 'di ako nagtatanong. Napag-alaman kong mayaman pala sila, ng parents niya, I should say. Kasi wala pa naman siyang sariling income, right?

Engineer daw ang ama niya at ang ina naman ay namamahala ng isang resort sa Palawan, kaya daw madalas na wala ito. Eh bakit kaya dito siya sa Adamson State College nag-aaral, eh mumurahing school dito?

That's why I asked her, "Bakit nga pala dito mo napiling mag-aral?"

Then parang nahiya siya na hindi nakasagot for a while. At ang sabi niya, "Ka-kasi mas malapit sa amin. Yeah, mas malapit sa amin. And besides, I wanna be with my friends kaya dito ako nag-aaral. Right girls?" the two girls nodded.

Okay! 'Di na ako nagtanong at nag-concentrate nalang sa buko shake na hawak ko.

Oh, I remember! Kaya nga pala na-late akong pumasok kasi late din akong nakapag-enroll dito. Marami kasing inayos na gamit sa bago kong bahay.

Yes, my house! Mom and Dad bought me a house with 2 maids, a gardener and a driver. Pero mas madalas akong mag-commute o 'di kaya ay mag-motor nalang kesa magpahatid sa driver ko.

At kung tatanungin niyo rin ako the same thing I asked Janine, simple lang ang isasagot ko sa inyo, dahil nga lumipat na kami dito sa Adamson for good. Dad found a job here, and so does Mom. Kaya wala kaming choice kundi lumipat dito. At binilhan nila ako ng sarili kong bahay as an early 20th Birthday gift kasi mawawala sila ng mahigit isang buwan. Ya know, business trips! Fuck that.

Dad insisted to find me an exclusive school pero ipinilit kong dito nalang sa ASC since mas malapit sa bahay na binili nila para sa'kin. They didn't argue kasi alam nilang kung ano ang sinabi ko, 'yon na 'yon!

And yes, about Cali naman. Ewan ko, magaan ang pakiramdam ko sa kanya eh. And that reminds me na kanina lang kami nagkakilala and yet, nakikain na ako sa boarding house niya. Well, I bought the viands pero he provided the place wherein we could enjoy the meal.

At meron akong napansin sa kanya, kakaiba siya. Well, he wore lipgloss and some girly stuffs pero what I mean is, hindi siya 'yong kerengkeng! Medyo lang. Haha.

"Alex. Hoy!" Janine poked me kaya bahagya akong napaigtad.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, tell me something about yourself naman," sabi niya kaya nagkwento narin ako. Pero hindi lahat ah? Sinabi ko lang kung saang school ako galing. And other things except sa pagiging, well, may-kaya ng pamilya namin. Don't forget, mayaman din daw 'yan!

Napatango-tango lang siya while munching her food.

Then nung 2:50 na, niyaya ko na silang pumasok na sa susunod na subject namin.

Habang naglalakad kami papuntang classroom ay nakaabrisete siya sa'kin which made me uncomfortable. Bago palang ako sa school na'to, baka sabihan na akong chickboy.

Pasimple kong tinanggal ang kamay niya at sabi ko, "Mainit kasi."

Nang makarating kami sa classroom namin, nagsi-lingunan na naman ang mga kaklase namin. Agad namang hinanap ng mga mata ko si Cali para dun ako sa tabi niya umupo, sa kanya lang kasi ako comfortable eh.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now