Twenty One

1K 22 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Callisto Bautista's Point of View

Happiest gay alive, ako yan!

Oo na, alam kong ang landi-landi ko pero dahil naman sa kalandian ko kanina, nagka-boyfriend agad ako ng gwapo. How's that? I never really expect na ganito ang magiging resulta ng pag-amin ko kay Liam.

Pagkatapos ng insidente kaninang umaga kung saan hinawakan ko ang kanyang little Liam, hindi na ako mapakali.

Kahit bago mangyari iyon ay napapaisip na rin ako sa mga nagdaang araw. Alam kong hindi dapat ako ang umaamin sa kanya. Pero knowing Liam, napakataas ng ego niyan and he will never make the first move. Gaya ngayon..

Nandito parin kami ngayon sa rooftop. Magkaharap kaming nakaupo at nagtititigan. Medyo matagal na rin kami dito at naisipan kong makipagkulitan sa kanya. Ayoko pang bumaba, gusto ko muna rito. Gusto kong solohin si Liam.

Napag-usapan na rin namin kanina ang tungkol sa pag-amin namin kay Eric. Siyempre, ayaw naman naming maglihim sa bestfriend naming iyon. Baka kapag nabuking niya kami, magalit pa siya. Mas mabuti nang umamin kami sa pinakamadaling panahon.

Napakisap-mata ako.

"Ha, talo ka! Nauna kang pumikit!"  malakas na sabi niya habang tumatawa.

Siguro naman ay nagkaroon na kayo ng idea kung anong ginagawa namin? Yep, nagtititigan kami at kung sino ang unang pipikit, talo. At ang consequence ng matatalo, siya ang mag-iinitiate ng halik. Landi no?

Siya ang nagsuggest niyan, hindi ako. Promise!

Sumimangot ako kasi gusto kong siya naman ang mag-initiate this time. Nakakatatlong beses na akong talo. Eh paano naman kasi, laging nahihipan ang mga mata ko kaya napapapikit tuloy ako.

"Mahal, I'm waiting," sabi niya at sumandal sa pader habang ang dalawang kamay niya ay nakataas at ang mga palad niya ay nakalagay sa likod niya ulo niya.

Naka-expose din ang kanyang kili-kili dahil sando na kulay itim ang suot niyang pang-itaas. Tumingin siya sa'kin ng may pagnanasa at dinilaan niya ang labi niya.

"Stop teasing!" asik ko sa kanya at napabungisngis naman siya.

Totoo yata ang biro niya kanina na may gayuma raw ang laway niya dahil adik na adik na ako sa paghalik sa kanya. His lips taste like cappuccino, naks!

"I'm not teasing you," sabi niya at unti-unti naman akong lumapit sa kanya. I'm about to kiss him nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

Dahil may kalakasan ang volume ay bahagya kaming napaigtad pagkatapos ay natawa.

Lumayo muna ako sa kanya. Kinuha naman niya sa kanyang bulsa ang cellphone niya at nang makita kung sino ang tumatawag ay iniharap niya sa'kin ang screen ng cellphone niya. Nakita ko naman kung sino ang tumatawag, si Eric.

"Sagutin mo na," sabi ko and he did.

"Par!" agad niyang sagot.

Sinenyasan ko siyang i-loudspeaker niya at ginawa naman niya kaya narinig ko ang sinabi ni Eric.

Sa'n ba kayo? Kasama mo ba si Cali?, tanong niya sa kabilang linya.

Tumingin  sa'kin si Liam at ngumisi bago nagsalita. "Yes par. Katatapos nga naming mag-sex eh," sabi niya kaya kinurot ko naman ang tagiliran niya.

"'Wag kang maniwala diyan! Alam mo namang baliw 'tong kaibigan mo!" malakas na sabi ko para marinig ako ni Eric sa kabilang linya. Nakarinig naman ako ng malakas na pagtawa.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now