Eight

1.1K 27 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Lee Amiro Sabrosa's Point of Vieew


Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Masaya ako kapag nasa paligid si Cali. Dahil siguro palabiro siya at masarap kasama. Tsaka hindi siya nagte-take advantage sa amin ni Eric.

Kagabi, hindi ko mapagilan ang sariling halikan siya. Ewan ko ba! Ang amoy ng pabango niya ay gumigising sa aking pagkalalaki. Babaeng-babae siyang amuyin. Pati ang amoy ng shampoo na gamit niya ay nananatili sa buhok niya.

Aaminin ko, natuwa ako nang malaman kong ako ang unang makatikim sa labi niya. Bading narin kaya ako? Sabi nila, ang mga lalaking pumapatol sa bading ay bading narin. Pero hindi. Hindi ko naman kinokonsider na bading si Cali.

He looks and acts like a real girl.

"Posible kayang magkagusto ako sa bakla? Naku, 'wag naman po sana." muling bulong ko.

"Pare, lalim ng iniisip mo ah."

Natigil ako nang marinig kong magsalita si Eric sa likuran ko. Nasa boarding na kami, kahapon pa kasi kami nakauwi. Wala si Cali, may klase siya hanggang twelve p.m., nakita ko sa schedule niya na nakadikit sa likuran ng pintuan.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Eric at umupo sa tabi ko.

"Wala. Naiisip ko lang sina Mama sa bahay. Kumusta na kaya si Livor?" pagdadahilan ko.

"Ah! Oo nga 'no? Siguro namimiss kana ng kapatid mo. Uwi tayo sa bakasyon?" sabi niya.

"Oo naman, 'di pwedeng 'di ako uuwi ngayong bakasyon," sabi ko. Seryoso ako, namimiss ko narin kasi ang kapatid ko. Gusto kong ako ulit ang mag-alaga sa kanya.

"Bro, may tanong lang ako ah. At dapat, sagutin mo ako ng totoo," sabi ni Eric kaya tumingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Alam ko ang ganyang ekspresyon niya. Ganyan ang mukha niya tuwing may gusto siyang malamang sekreto sa akin.

"Ano yon, bro?" tanong ko sa kanya kahit may ideya na ako sa magiging tanong niya.

"Bakit mo naman hinalikan si Cali?" tanong na. Sabi na eh! Napalunok ako

Tumingin ako sa ibang direksyon saka sinabing, "Wa-wala, trip ko lang."

"Kilala kita bro. Nanghahalik ka lang kung gusto mo ang isang tao. Ibig bang sabihin nun, gusto mo si Cali?"

"Nagpapatawa ka ba? Siyempre hindi!" mariing tanggi ko. Napabuntong-hininga siya.

"Okay. Pero uulitin ko lang bro, 'wag na 'wag mong sasaktan si Cali. At 'wag mo ring pagtitripan. He deserves to be respected. Nirerespeto niya tayo kaya dapat lamang na ibalik natin sa kanya iyon."

Natahimik ako sa sinabi niya. Napaisip din ako.

"Sige bro, ligo muna ako," sabi niya nang hindi na ako sumagot. Tinapik niya din ako sa balikat. Naiwan na naman akong nag-iisip.




Callisto Bautista's Point of View

"Callisto Bautista, is there any problem? Kanina pa kita napapansing parang tulala. And it's so unusual. You are always enthusiastic. Now, you look differently," puna ni Ma'am Velasco sa'kin na ikinagulat ko. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase ko.

Dahil nahihiya ako ay umayos ako ng upo. Nakatingin kasi ako sa labas ng bintana at malalim ang iniisip.

"I'm sorry Ma'am. I'm just having a minor headache," pagdadahilan ko. Ang totoo ay naaalala ko si Liam.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora