Four

1.4K 33 1
                                    

CHAPTER FOUR

Callisto Bautista's Point of View

Pabagsak akong humiga sa kama ko pagkauwing-pagkauwi ko sa boarding house namin. I feel drained! 'Yong parang nakipag-anes ako mula alas sais ng hapon hanggang alas sais ng umaga. Ugh!

Joke lang 'yon. 'Di ko pa po natitikman ang luto ng Diyos na sinasabi nila. Paramis!

Thou shalt not use the name of the Lord in vain!

"Hoy! May balak ka bang sirain 'yang kama?" malakas ang boses na sita sa'kin ni Liam pero hindi ko siya pinansin. Binelatan ko lang siya pagkatapos ay parang batang nagpagulong-gulong sa kama ko habang yakap-yakap ko ang teddy bear ni Liam.

Sa kanya ho itong malaking teddy bear na ito na kulay blue. Anak daw namin, sabi niya. Duh! As if magkakaanak ako ng isang bear, as if magkakaanak ako ever!

Katatapos ang klase ko at pagkatapos akong ilibre ni Alex ng siomai sa canteen, we parted ways. May dala siyang motor. At ang astig ah, Ducati 'yong tatak.

Wala pang sampung minuto ay nakatulog na ako sa pagod. Sa stress, actually. Second week at ang dami nang requirements na dapat ipasa on the other week!

Nagising na lamang ako dahil sa tunog ng cellphone sa may ulunan ko.

"Pakshet naman oh-" ganyan talaga ako magsalita at kasungit 'pag nagigising sa kalagitnaan ng masarap kong pagtulog. Masisisi niyo ba ako? Ako lang ba ang ganito kasungit 'pag ganitong mga sitwasyon? I think not!

"Kanino bang cellphone 'yan?" tanong ko. Hindi naman ganun ang ringing tone ko ah.

Nilingon ko si Liam na noo'y nakatapis lang ng tuwalya dahil kagagaling lang sa banyo. Basa pa ang buhok niya and I can see droplets of water on his broad shoulders.. down to his stomach and down to his..

"'Ba! Malay namin diyan sa cellphone sa bag mo?" masungit naman niyang sagot sa'kin. Inalis ko agad ang tingin ko sa katawan niya bago pa man siya lumingon.

I gritted my teeth pero teka-cellphone sa bag ko? Alangan namang 'yong cellphone ko ang tumutunog? Duh, 'di ako mahilig sa My Chemical Romance, 'no! Teenagers kasi ang title ng kantang tumutunog.

Kahit naiinis, I get up at hinalungkat ang laman ng bag ko. Habang ginagawa ko 'yon, narinig ko ang pagsitsit ni Liam kaya nilingon ko siya.

Nakangisi siya habang ang kamay niya ay nakahawak sa tuwalyang tanging nakatakip sa oh-so-yummy niyang lower body part. Okay, I sound like a sex-starved maniac already!

"Liam! Don't you dare!" banta ko sa kanya dahil parang tatanggalin niya 'yong tuwalya sa harap ko. Pero lalo lamang lumawak ang pagkakangisi niya. And without warning, mabilis niyang tinanggal ang tuwalya. Tatakpan ko na sana ang mga mata ko pero-

"May suot akong shorts, bungol! Hahahaha," tumatawang sabi niya. Tinatawanan pa talaga niya ang reaction ko ha? Loko 'to ah.

"Bastos!" I shouted at him at lalo lamang lumakas ang pagtawa niya.

"Aminin mo na, gusto mong makita ano?" tudyo niya kaya inirapan ko siya and I raised my middle finger in return. Pero nung tingnan ko siya, muling napako ang mata ko sa tiyan at harapan niya kaya naman 'di ko na siya masisisi kong muling bumalik ang ngisi sa labi niya. Kung bakit naman kasi ang sexy niya! Pisti.

"O. Akala ko ba ayaw mo?" sarkastikong tanong niya. "Sagutin mo na 'yang cp sa bag mo. Kanina pa 'yan tumatawag eh."

At noon ko lang naalala ang cellphone na tumutunog sa loob ng bag ko kaya itinuloy ko ang paghahalungkat. At nanlaki ang mga mata ko nang mailabas ko ang isang iPhone.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now