Six

1.1K 28 0
                                    

CHAPTER SIX

Callisto Bautista's Point of View

Humiga ako sa kama para sana matulog pero hindi naman ako dalawin ng antok. Sabagay, alas singko na kasi ng hapon. Nagbasa na lang ako ng eBook para hindi ako ma-bore.

Hindi parin ako maka-get over sa mga sinabi ni Liam kanina. Malandi na pala ako? Tsk.

Hindi naman nagtatagal ay naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Alam kong si Liam na 'yan pero hindi ko siya nilingon. Naiinis ako. Grabeng inis pero hindi ko naman matatawag na galit. Iba 'yon eh.

Nahaluan narin ng pagtatampo ang inis na iyon kaya lumalala. Nagtatampo ako kasi akala ko iba ang tingin sa akin ni Liam, pero hindi pala.

Sa magdadalawang taong pagsasama namin sa boarding house, never ko siyang hinipuan. Never ko siyang tiningnan nang may pagnanasa. Never ko siyang binosohan kapag naliligo siya. At akala ko enough na iyon upang mabago ang tingin niya sa'kin but I was wrong. Hindi parin pala sapat.

Hindi ko alam kung gaano katagal mula ng pumasok si Liam at dumiretso sa lababo bago siya nagsalita. Patalikod akong nakahiga sa direksyon niya kaya hindi ko siya nakikita.

"Cali-" tila kinakabahang sabi niya. Take note, malumanay at mahina ang pagkakasabi niya sa pangalan ko.

"Ano?" madiin kong sabi at bumangon sa kama. Naku, sasampalin ko na talaga siya kapag mang-aasar na naman siya. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya kaya hindi ko na napansin ang hawak niya.

"He-heto oh. May binili ako para sa'yo. Naalala ko kasi 'yong sinabi mo noon na gusto mong makakain ng ganito," You know what, ang hirap mag-inis inisan kapag ganyan siya magsalita. Sobrang lumanay eh! Hindi ako sanay na ganyan siya. Napapalunok pa siya oh!

Pero nang ma-realize ko 'yong sinabi niya, agad bumaba ang tingin ko sa hawak niyang plato. Nakalagay doon ang dalawang pulang-pulang mansanas na pinangarap ko noon pa na matikman.

But what surprised me most are the engraved words on the two apples.

Dahil pulang-pula ang mansanas ay obvious na obvious ang parte na inukitan ng salitang Cali tsaka I'm so sorry.

Gusto ko mang ngumiti ay pinigilan ko ang sarili ko. Nakatitig kasi si Liam eh. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang mga labi ko na umangat at tuluyang ngumiti.

Dahil sa reaction ko ay parang nakahinga ng maluwag si Liam 'tapos ay ngumiti narin.

Maya-maya lamang ay bumubungisngis na kami.

"Gago ka kasi eh!" sabi ko habang hinahawakan ko ang mansanas at pinapadaanan ko ng daliri ko ang bandang inukitan niya.

"I know and I'm so sorry, I really do. Bati na tayo?" sabi naman niya.

Kunwari akong nag-isip pagkatapos ay, "Sige, pero sa isang kondisyon," seryoso kong sabi.

"What condition?" tila kinakabahan pa niyang tanong.

"I-slice mo na 'yan, dali!" nakangiti kong sabi. Sa una ay napakunot-noo pa siya pero dali-dali siyang bumalik sa lababo at hinati ang mansanas. Natawa nalang ako.


Lee Amiro Sabrosa's Point of View

Alam ko na ang weakness niya, Red Apple! Hahaha. Ang saya-saya ko. Pakshet, nakakabakla!

Alam niyo 'yong feeling na nag-effort ka tapos in the end ay may napala ka? That was so heaven. Ang saya lang.

Abot-tainga ang ngiti ko habang hinihiwa ko ang apple. Magaling naman pala akong mag-isip eh. Imagine, napangiti agad siya nung mabasa ang iniukit ko sa mansanas? Sa isa ay pangalan niya tapos sa isa pa ay ang salitang 'I'm Sorry.' Galing! Galing! Haha.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon