Eighteen

902 22 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Lee Amiro Sabrosa's Point of View

Nakaupo ako sa silong ng mangga habang malalim ang iniisip ko. Gulong-gulo na talaga ang isip ko at iisang tao lang ang may dahilan nun-si Cali.

Hindi ko maintindihan ang damdaming pinupukaw niya sa kalooban ko kapag nginingitian niya ako, kapag hinahawakan ang kamay, kapag inaakbayan at kapag sinisigawan.

Kaninang umaga habang inaayos niya ang buhok ko, mataman kong tinitigan ang mukha niya na nakatingala sa akin. Kung hindi ko inisip ang maaaring maging reaksyon nina Eric at Colossus, malamang ay siniil ko na ito ng mainit na halik.

Ugh! I hate myself today.

Naalala ko pa nang umaktong magki-kiss sila ni Eric, nakaramdam ako ng pagnanais na pigilan sila. Na parang ayaw kong mangyari iyon kaya agad akong pumagitna kahit alam ko namang hindi totohanin ng mga ito ang halik.

"Aherm, nagseselos ka 'no?" naalala kong tanong sa akin ni Cali. Sa una ay napaisip ako kung iyon ba ang tamang salita para sa nararamdaman ko.

This feeling is so familiar. Naramdaman ko na ito sa isang babae noon. 'Yong saya habang kasama mo siya, 'yong satisfaction na mararamdaman mo kung matitikman mo ang mga labi niya.

Naisip ko si Jinky. Oh, the very passionate girl. Jinky is capable of satisfying my physical needs.

Pero kay Cali, iba. Hindi lang pisikal ang nasa-satisfy sa'kin kundi pati 'yong damdamin ko. I felt.. loved? Maybe. I don't feel neglected and alone kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay kahit lagi niya akong inaaway at iniinis, hinding-hindi naman niya ako hinahayaang malungkot. And for that, I found myself falling.

Ipinilig ko ang ulo sa naisip. No! Hindi ko matatanggap na sa bakla ang bagsak ko. At kahit maubusan pa ng babae sa mundo, magsasariling sikap nalang ako kesa makipagtalik sa isang bakla.

Is it really necessary to have sex with your partner?, naalala kong tanong ni Cali. The innocence in his voice makes me wonder at isipin kung gaano siya ka-gentle sa kama, kung gaano siya kalambot, kung gaano siya ka-feminine gumalaw.

Naglabas ako ng isang stick ng yosi saka ko sinindihan. Pakiramdam kasi ko ay nababaliw na ako. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko ko at hindi maayos ang sistema ko.

Nakakailang hithit-buga palang ako nang may umagaw sa hawak kong sigarilyo. Nilingon ko ang nakapamaywang na si Cali. Nakataas ang isang kilay niya.

Dumako ang paningin ko sa ayos ng buhok niya. Nakasuot siya ng headband para hindi tumakip ang may kahabaang bangs niya sa mukha niya.

"Yosi na naman! Nabawasan na naman ng ilang minuto ang life span mo niyan," sabi niya. Despite the loud voice, there is concern. Muling sumikdo ang puso ko nang walang anu-ano'y umupo siya sa tabi ko nang hindi ako nagsalita.

Be still, my heart.

"You're not that addict, are you? Tigilan mo na ang pagyoyosi Li. Masama 'yan sa katawan. Nakakapurol ng utak," sabi niya. Ngumiti ako para hindi niya mahalatang nababato-balani ako sa kanya. Nakasuot lamang siya ng pambahay. Simpleng shorts at t-shirt.

"Hayaan mo nalang ako," sabi ko sa kanya. Nilingon niya ako na salubong ang kilay niya.

"Hayaan? Anong silbi kong kaibigan kung hinahayaan ko kayong maadik sa ganyang bisyo?" sabi niya. Natahimik ako.

How I wish that mom would be like you.

"Eh hindi pa naman ako adik eh. Tingnan mo nga't tig-isang stick lang ang kinokonsumo ko araw-araw," pagdadahilan ko.

"Hihintayin mo pa bang maadik ka bago mo itigil? Liam, mas maganda 'yong sa una palang, itinitigil mo na kapag alam mong mali," seryosong sabi niya. Bigla akong napaisip. Ganun ba talaga? Paano kung mali ang nararamdaman kong happiness kapag malapit ka? Pipigilan ko rin ba ang sarili ko?

"Oo na! Panalo ka na," sumusukong sabi ko at dinukot sa bulsa ko ang kaha ng sigarilyong may mahigit sampu pang laman at iniabot dito.

"Good boy," sabi niya at hinalikan ang pisngi ko bago tumayo at mabilis na umalis. Awtomatiko namang napahawak ako sa pisngi kong hinalikan niya. Bakit ba hindi nasasanay ang sistema ko sa halik niya?

Kinabukasan ay nag-meet ulit kami ni Jinky, pero this time ay sa may ilog na. Nagpaalam ako kanina kay Cali na makikipag-usap lang kina Crisostomo pero ang totoo, may usapan talaga kami ni Jinky.

Again, he was there again to prove himself that the feeling he felt for Cali is plain platonic.

"Bukas na ang balik namin sa city," sabi ko kay Jinky. Nakaupo kami sa isang malaking bato.

Nilingon niya ako.

Umusod ako palapit sa kanya upang gumawa ng hakbang pero pinigilan niya ako na siya namang ipinagtaka ko. Nang tumingin siya sa akin ay seryoso siya. And her eyes look guilty.

"Ayoko na Liam," sabi niya.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"Nakokonsensiya ako kay Cali eh," sagot niya. Kumunot ang noo ko. What's with Cali? Anong connection niya sa pagtatalik naming dalawa?

"Bakit naman nasama si Cali sa usapan?" tanong ko. Siya naman ang nagkunot ng noo.

"Seryoso ka ba? Ibig mong sabihin, bale-wala lang sa'yong kahit gusto ka niya, ako ang nakaka-ano mo?" tanong niya sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko. Gusto? Ako, gusto ni Cali? Imposible.

"Sinong may sabing gusto ako nun?" tanong ko. Bakit naman kasi ako magugustuhan ni Cali?

"Wala. Pero hindi mo ba napapansin? Ako, napansin ko 'yon noong nagpunta ako sa bahay nila at kumain tayo ng tambo-tambo. Nakita ko 'yon sa mga mata niya. Hindi mo rin ba napansin na parang dumidikit siya kay Eric kapag tayo naman ang magkasama? Dahil gusto ka niya at ayaw niyang mapansin mong nagseselos siya," seryosong sabi niya.

Tumayo ako. Walang kwenta ang sinasabi niya. Kung anu-ano ang napapansin.

"Tara na nga, uwi na tayo. Kung anu-ano ang sinasabi mo," yaya ko sa kanya. Nawalan na ako ng gana.

"I'm serious. Gusto ka ni Cali. Siguro hindi isandaang porsiyento pero alam ko-"

"Tama na nga!" saway ko sa kanya. Naiinis na ako dahil kung anu-ano ang sinasabi niya. Nonsense! Kung gusto ako ni Cali, nahalata ko na sana. Pero Cali is just a good friend, at kung anu-ano ang pinaparatang ng babaeng ito sa kanya.

Ano nalang ang iisipin niya kung pinagbibintangan namin siyang crush niya ako?

"Kung crush ako nun, nahalata ko na sana. Sa tagal ba naming magkasama," sabi ko.

"'Wag ka namang maging manhid. Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay ang katotohanan. Minsan, kailangan mong makiramdam," sabi niya at tinalikuran ako. Nauna na siyang naglakad patungo sa kabahayan. Naging mabagal naman ang paglakad ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko.

Ako? Crush ni Cali? It can't be. Hindi ko maatim na ang kaibigan ko ay may gusto sa akin. Dahil alam kong hinding-hindi ko masusuklihan ang pagtinging iyon.

Oo nga't parang nagugustuhan ko na rin siya pero I'm still not sure of what I feel. Baka tinging-kapatid lamang iyon. O kaya ay nangungulila lang ako sa pagmamahal ng isang totoong kaibigan.

Pero paano nga kaya kung totoong gusto niya ako? Bakit hindi ko man lang nahalata? Ah, kailangan palang maging observant ako. Kailangan ko nang makiramdam.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon