Previous Page of 3Next Page

I Love You, Kuya [Editing]

Dedicated to
imahappyreader
spinner.gif

                                                  CHAPTER ONE

                                                  1. AWKWARD

 

 

 

 

 (Kathryn)

Isa akong NBSB o no boyfriend since birth. Makakapagintay naman ang love, diba? Tsaka medyo mapili kasi ako. Ayaw ko ng mga lalakeng bad boy, mga hindi gentleman at walang pangarap sa buhay. Isa rin kasi sa mga pangarap ko na yung first boyfriend ko dapat siya na rin ang mapapangasawa ko. Gusto ko isa lang. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit ayaw ko pa magkaroon ng boyfriend. Medyo bata pa kasi ako. Paano kung nagkaboyfriend ako tapos hindi pala siya ang nakatadhana sa akin? Edi hindi natupad yung pangarap ko. Pero alam niyo kung anong mapaglaro? Tadhana. Sobra akong pinaglalaruan ng tadhana. Oo, pinaglalaruan ako ng tadhana. Nainlove kasi ako sa taong alam kong hindi pwede. Nainlove ako doon pa sa taong bawal maging kami. Paano na yung pangarap ko?

 

 

 

"Hoy ba't ka nakanganga diyan?" sigaw sa akin ni kuya. Mas matanda siya sa akin. 17 na siya at 16 naman ako. Pero same year lang kami sa school. Three years old pa lang kasi ako noon ay pinapasok na ako ni mommy. Kaya same year kami ni kuya.

 

 

Tsaka medyo matalino kasi ako.

 

 

Di ako nagmamayabang ah!

 

 

Sinasabi ko lang. Mwahahaha!

 

 

Sobrang close kami ni kuya. May iba kasing magkakapatid na palaging nag-aaway, palaging nagbabangayan, palaging nag-aasaran. Ganun din kami ni kuya. Bwahahaha. Pero kahit na palagi kaming nag-aaway... syempre love pa rin namin ang isa't isa. Ganun kasi kami maglambingan ni kuya. Kapag inaaway niya ako, naglalambing lang siya. Ganun din naman ako sa kanya. Kaya kapag palagi kaming nag-aaway, love talaga namin ang isa't isa. Sweet, diba?

 

 

Tsaka si kuya lang naman palagi kong kasama sa bahay.

 

 

Kaya wag na kayong magtaka kung bakit sobrang close namin.

 

 

Siya palagi kong nakikita- mula paggising hanggang pagtulog ko.

 

 

Minsan nga naiirita na ako... sawang-sawa na ako sa itsura niya.

 

 

Mwahahahahahahahahaha biro lang yun ah!

 

 

"Kuya kong payatot na amoy utot." sabi ko kay kuya.

 

 

Humiga si kuya sa tabi ko at inagaw ang iTouch ko. "Tumawag si mommy kanina ah. Ang panget mo daw." sabi ni kuya habang seryosong naglalaro ng Temple Run. 

 

 

Pati si mommy dinadamay pa ni kuya. "Mukha mo! Pero seryoso, anong sabi ni mommy?!" 

 

 

"Panget ka naman talaga! Bwahahaha!" Tawa lang nang tawa si kuya habang nakapoker face ako. Nahalata siguro ni kuya na hindi ako nakikiride sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa. Itinigil niya ang paglalaro ng Temple Run at kinurot ako sa ilong. "Tong babaeng 'to. Basag trip. Di pa daw sila makakauwi. May tinatapos pa raw sila eh. Kaya kanila lola muna tayo. Doon na daw muna tayo mag-summer." sabi ni kuya.

 

 

"Di sila makakauwi? Sad naman." sabi ko sabay pout. "Pero panget ka rin kasi magkapatid tayo. Kung panget ako, panget ka rin!!" 

 

 

"Tss. Di kita kamukha! Gwapo ako, panget ka." Inakbayan pa ako ni kuya. "Kumbaga, sa sobrang kagwapuhan ko... wala ng natira sayo."

 

 

"Kuya, ang bad mo!" 

 

 

Pinaghahampas at pinagpapalo ko si kuya. Ang bad! Minsan naman sobrang sweet niyan. Mas sweet pa sa chocolate. Pero kapag sinumpong naman!!! Mas masungit pa sa babaeng nireregla!! Err!!!!!! Maganda kaya ako >/////////////////////<

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (70)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter One

Cast

Kathryn Bernardoas Kath | Kathryn
Daniel Padillaas DJ | Daniel

Recommended

Kuya, Bipolar Ka! [EXO]As Long as You LOVE Me [KathNiel Fan-Fic]making the manhater fall inl♥veTangled (Kathniel)