28th🏹

1.3K 80 111
                                    

28th🏹      

Hindi ko alam kung anong oras siya pumapasok at hindi kami nagkakasabay, kaya inagahan ko at halos ako na ang nagbukas ng school gate ngayong umaga.

"Lopez! Ang aga mo," bati ng isa kong ka-teammate. Nagjojogging kasi siya sa oval tuwing umaga bago magsimula ang klase. 

Tinanguan ko siya at nagpatuloy sa pagaantay.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mag-resume ang klase ngayong taon. Sa loob ng isang linggo, sa klase ko nalang nakikita si Arya. Si Louisa na ang lagi niyang kasama kahit sa lunch. Lagi silang napwesto sa lugar na hindi ako makakasingit.

Tama nga ang hula ko na sobrang aga na niyang pumapasok lately. Dumating si Arya ng bago mag-6:15. Hindi pa niya suot ang salamin niya kaya hindi niya ako nakita na nakasandal sa may loob lang ng gate ng school.

Habang nakayuko, humawak siya sa dalawang strap ng backpack niya at parang malalim ang iniisip. Humarang ako sa dadaanan niya. Kaya nung napansin niya, bigla siyang napatingin kung sino ang nakatayo sa harapan niya.

Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Para siyang nakakita ng multo. "Dylan..."

"Kamusta?"

Hindi siya makatingin ng deretso sa 'kin. "Eto, okay lang."

"Usap tayo, Arya," sabi ko. Humakbang siya pakanan, pero hinarang ko ulit siya. "Bakit mo ako iniiwasan?"

"Pwedeng 'wag muna ngayon?" nakiusap siya.

At dahil siguro ngayon ko lang siyang nakitang nakiusap ng ganitong kaseryoso, wala na akong nagawa kundi magbigay daan nalang. Walang kibong dumaan si Arya sa harap ko at pumasok na sa loob.

***

Pinatahimik ni Ms. Matimtim ang klase at nag-start na kami sa Filipino. Kagaya ng dati, buod na naman ang gusto niyang ipagawa sa amin. El Filibusterismo naman ngayon.

At gaya ng inaasahan, umangal ang buong klase.

"Ma'am, kakatapos lang po namin ng Noli," sabi ng isa naming kaklase sa may likuran.

"Napagusapan na natin eto last year, hindi ba?" tanong naman ni Ms. Matimtim. "Dahil pinagbigyan ko kayo na ibang libro ang gagawan niyo ng buod, nagkasundo ang section na 'to na ngayong taon natin tatalakayin ang Noli at Fili."

Totoo naman. Nakakapagod man na isipin, 'yun talaga ang nangyari. 

"Pero, Ma'am, hindi pa po kami nakakamove-on kay Noli."

"Si Rizal nga ay nakamove-on na, kayo pa ba?"

Nagtawanan ang lahat.

"Limahan nalang po, Ms. Matimtim, per group."

"Dalawahan lang. Ako na ang pipili ng magkakagrupo," sabi ni Ms. Matimtim.

After magkagulo pa ng bahagya ng buong klase, umupo na si Ms. Matimtim at kinuha ang class record niya. Nagsimula na siyang magmarka ng mga magkakagrupo.

"Ms. Chavez," tinawag ni Ms. Matimtim ang pangalan ni Arya. Pati ako napatingin. Pagkatapos, sinabi ni Ms. Matimtim, "kayo na ni Dylan ang magkagrupo, ano?"

"Po?" sabi bigla ni Arya.

"Bakit parang nagulat ka pa? Lagi niyo namang ginigiit na kayo ang magkagrupo? May nangyari ba?" tanong ni Ms. Matimtim.

"Wala po," mabilis na sagot ni Arya at pinilit niyang ngumiti. "Sige po."

"Akala ko naman kung ano," sambit ni Ms. Matimtim, at patuloy siyang nagtawag ng mga magkakagrupo. Ngayon, wala ng magagawa si Arya kundi kausapin ako. One point para kay Ms. Matimtim.

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon