18th 💗

1.5K 79 108
                                    

18th 💗   

"Arya! Dito!" may tumawag sa akin habang nakikipagsiksikan ako sa mga humahanap ng mauupuan sa gym. Sila Kim at Nicole. Dagdag ni Nicole, "Dito ka na umupo."

Mukhang magandang idea 'yun kasi wala na akong makitang bakante sa may unahan. Lumapit ako sa kanila. "Kanina pa kayo dito?"

"Oo," sabi ni Nicole. Umusod siya para may space ako. "Eto kasing si Kim, ayaw magpahuli sa pagchicheer kay Dylan."

"Tagahanga lang," sabi ni Kim.

Kiniliti siya ni Nicole. "Tagahanga pero lagi kayo magkausap."

"Minsan-minsan nga lang," sabi ni Kim.

"Reklamo pa?"

"Busy kasi lagi si Dylan," sagot ni Kim.  Talaga ba? Tapos patuloy ni Kim, "Katulad kahapon, saglit ko lang siya nakatext."

Kahapon kasi ang second to the last day ng Sports Festival, tapos half-day lang ang mga laban. Nakaupo nga lang maghapon 'yung isang 'yun sa harap ng PSP niya after naming umuwi pagkatapos ng mga event sa school. Gagalaw lang si Dylan pag kailangan niyang uminom o nagugutom na siya. Minsan pa nga, itetext niya ako para ikuha siya ng pagkain sa refrigerator. Syempre, binabara ko siya kasi lubos na ang katamaran niya at hindi na healthy para sa isang tao. Isipin mo naman, kabilang bahay pa ako nakatira, at siya, nasa harap na niya halos ang ref.

"Marami bang ginagawa si Dylan sa bahay nila?" tinanong ako ni Nicole.

"Ha? Ah, oo... marami din," sabi ko nalang. "Buti nga nagrereply kay Kim. Pag hindi kasi talaga intresado si Dylan, hindi nun hahawakan ang phone niya."

"Talaga?"

"Oo," sabi ko kay Kim. "Alam mo ba one time, nakita ko cellphone niya sa ref?"

Natawa bigla si Kim. " Sa ref?"

"Buti nalang hindi sa freezer. Sa loob lang mismo ng ref," sabi ko sa kanya. Ipangseselfie ko kasi noon 'yung phone ni Dylan kasi iPhone kaya maganda ang frontcam. Nung hinihiram ko, sabi hindi daw niya alam kung saan niya nilapag, tapos patuloy lang siya sa paglalaro ng PSP, ' di man lang nabobothered na nawawala na cellphone niya. 

Ako na naghanap. Kasi once na hinawakan na ni Dylan 'yung controller, wala ng pag-asang matanggal mo 'yun sa kamay niya ng mga ilang oras. Nakakita ako ng malamig na pitsel sa tabi niya, kaya malamang sa ref niya naiwan ang cellphone niya. Tama nga. Andun nga si mahiwagang cellphone.

"Ganun pala siya," sabi ni Kim, parang nabawasan ng worries. 

"O, ngingiti na 'yan," sabi ni Nicole.

"Hindi naman ako nalulungkot," sabi ni Kim. Tapos bigla siyang napasigaw, "Ayan na sila!"

"Cute sana ang Dylan mo kung nakangiti siya lagi," sabi ni Nicole.

"Okay lang kahit hindi. Ang gwapo kaya niya. Bonus na pag ngumiti pa siya at lumabas ang dimples," sabi ni Kim.

 Faney lang. 

Saan kaya banda ang kagwapuhan ni Dylan? Pero 'yung kasunod niyang pumasok, iba talaga. Tipong lahat ng nasa gym na kababaihan, tumigil sa paghinga nung lumabas siya.

Go, Michael!

"Ayun ang gwapo. Walang effort. Hihinga lang siya, maraming nagsisitilian," observe ni Nicole.

'Di ba?

"'Yan ba 'yung si Michael Cojuangco?" tanong ni Kim kay Nicole.

"Fourth year. Crush ng bayan. Ex ni Carla," sabi ni Nicole. 

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon