6th 💗

3K 131 28
                                    

6th 💗

D-day.

Eto na ang moment na matutpad ang aking pinakamimithi. Tumingin ako sa maliit na salamin na dala ko. Kinuha ko pala 'to sa empty face powder ni Nanay. Tinanggal ko lang 'yung lalagyan ng ubos na powder, tapos siya ko ng ginagamit na salamin sa school.

Nakakatakot ang eyebags ko. Halloween pa din ang theme. Ilang araw na 'kong ndi nakakatulog ng maayos. Simula pa eto 'nung the night before ng birthday ko. 

Pero finally, sumikat na din ang araw kanina at Tuesday na ng umaga. November 3. May pasok na! Akalain niyo ba na tuwang-tuwa ako na pumasok? Ngayon lang ako sinipag na pumasok ng sobrang aga, muntik ko ng maunahan ung security guard at mga naglilinis. Tapos sa sobrang wala akong magawa at wala pa namang tao, feeling ko tuloy gusto ko na din tumulong sa paglilinis nila at pagroronda.

Tapos dumaan ang first period. Second. Third. 

Geometry pala ang third period namin. Naiiyak ako sa kaba. 'Nay, I'm so sorry, pero hindi po ako nakinig sa mga teachers ko at malamang sa alamang bagsak ako sa quiz namin sa Geometry. Nilagyan ko na nga lang ng smiley 'yung last na tanong kasi hindi ko talaga na-gets. Hindi na naman ako huwarang estudyante. Babawi nalang talaga ako.

Tapos ngayon, lunchtime na.

'Yung kaba ko abot langit na. Kanina ko pa din tinutusok 'yung kinakain ko. Hindi naman sa wala akong gana, pero talaga namang nakakakaba. Parang pag kumain ako, bigla ko lang siyang mailabas ulit.

Hindi ko pa din nakakausap ng matino si Dylan simula pa kaninang umaga. Wala naman akong duda na tutuparin niya 'yung pinangako niya sa akin. Kaso nga lang malakas talaga ang superpowers niya. 

'Yung destructive tendencies ni Dylan kasi masyadong lumalakas without knowing. Kaya gusto ko ng malaman kung nasabi na ba niya kay Michael at paano niya sinabi. Kailangan kong malaman kung mag-dadamage control ba kami or pwede na akong mamatay sa kilig.

Kasi kahit anong pilit ko kay Dylan, ayaw niyang makipag-cooperate sa paggawa ng plano. Tinatawanan lang niya ako nung nagbibigay ng examples ng pwede niyang gawin, habang patuloy sa paglalaro ng COC. In the end, walang plano. Siya na daw bahala at relaks lang ako.

O, paano ba mag-relaks? Hindi ko na alam ang essence ng salitang relaks.

"Dylan!" sigaw ko nung makita ko siya na papasok ng canteen.

Nagulat din si Dylan, sabay hanap sa akin.

Huli na 'nung narealize ko na lahat ng nasa canteen ay nakatingin sa akin. Hala. Bad sign. Humihina din ang aking invisibility powers. Nahiya ako bigla, sabay upo at tumungo, kunwari busy kumain at walang nangyari.

Kruuu.

Si Dylan, medyo naintindihan niya ang nangyari. Nagpaalam siya dun sa mga kasama niya na members din ng basketball team, minus Michael and his friends. Tapos bumili ng lunch at pumunta sa table na kinauupuan ko.

"Ang loner mo pala masyado pag nahuhuli ako sa breaktime," comment ni Dylan.

"Hindi naman. Tsaka mas okay nga kasi paranoid ako ngayon," sagot ko.

"Nakakatawa itsura mo. Nakapinta sa buong mukha mo ang gusto mong itanong sa akin," sabi ni Dylan, tawa ng tawa.

"Ano na nangyari? Nabigay mo na?" tanong ko agad.

Hindi ako sinagot, nakangisi.

"Dylan! Ano?"

"Ang bilis. Galit ka na agad?" tukso ni Dylan.

Huminga ako ng malalim. Kinakapa ko 'yung expression niya. Pero parang sa nakikita ko sa mukha niya, hindi pa niya nabibigay. "Dylan, tuparin mo ang pangako mo, ha?"

"Oo naman," sagot ni Dylan, sabay subo ng pagkain. Gutom na gutom siya. "Maaga praktis namin ngayon. Hindi na kami aattend ng PE kasi may laban bukas."

"Talaga?"

"Wagas din ang ngiti mo, 'no?"

"Kilala naman kita. Alam ko naman na at the end of the day, magiging kami na ni Michael," sabi ko.

"Agad agad? Kala ko magkakatext palang kayo?" Natawa na naman siya, sabay nabulunan sa kanin.

Inabot ko 'yung lalagyan ko ng tubig. "Excited ka na din para sa akin?"

After niya malunok 'yung kinakain niya, sumagot siya, "Hindi ko pa nga alam kung paano ko ba sasabihin kay Michael mo."

"Sabi ko naman sayo, casual."

"Na parang wala lang?"

"Oo," sabi ko. "'Yung tipong no big thing lang."

Natawa nalang siya.

"Kumain ka na nga. Gusto mo kainin mo na din pagkain ko at wala akong gana," sabi ko sa kanya.

"Ubusin mo 'yan. Magpapanggap ka lang namang model. 'Di mo naman kailangang magpakapayat at magdiet," sagot ni Dylan.

"Uneasy lang 'yung tyan ko. Kainin mo na. Nahihiya ka pa," sagot ko, tinulak 'yung tray ng pagkain ko papalapit sa kanya. Nakaupo kasi siya sa harapan ko.

Tinitigan ako ni Dylan, serious mode. "Hindi ko ibibigay kay Michael number mo pag di mo kinain 'yan."

"Hala, blackmail naman masyado?"

"Bahala ka," sabi niya.

"Eto na nga," sagot ko, napipilitan. "Kinakain na po, 'Tay. Daig mo pa nanay ko mang-blackmail."

Napangiti siya, pero 'di na sumagot. Busy sa kinakain niya. Mukha siyang 'di kumain ng isang buong taon. Pero ang totoo, sa amin siya nag-agahan at naubos niya ang kalahating kaldero ng kanin. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng appetite si Dylan.

Pagkaubos ng kanin, bumalik sa canteen at humingi pa ng extra rice. Nanonood nalang ako, amused. May bulate siguro sa tyan etong kaibigan ko.

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon