4th 💗

3.3K 170 90
                                    

4th 💗

"Tita, good morning po. Andyan po si Dylan?" tanong ko habang tinatanaw 'yung loob ng bakod nila. 

Ang taas naman kasi ng pinagawang bakod ni Tita Melody, mommy ni Dylan. Siguro three times ng height ko, tapos ung one third gawa sa bricks. The rest, black na mga rehas na may mga designs. 

In short, kailangan kong lumundag-lundag para makita ni Tita Babes. Naglalaba si Tita Babes sa likod bahay. Siya palang ang gising. Sira na naman kasi 'yung doorbell nilang maganda. Baka kinagat nung aso ni Lisa 'yung kuryente.

"Arya, ikaw ba 'yan?"

"Opo!" sagot ko, talon talon.

"Pasok. Pasensya na at hindi kita narinig agad," sagot ni Tita Babes. Narinig ko na pinatay niya 'yung gripo. Tumigil na din sa pagkaon 'yung motor ng tubig, kaya medyo nagkakarinigan na kami. "Halika sa gate. Pasyensya ka na, ha?"

Sinundan ko siya. "Okay lang po 'yun, Tita."

Inantay kong buksan ni Tita Babes 'yung gate. Pinapasok niya ako, sabay turo sa second floor. "Nasa taas si Dylan. Ikaw nalang gumising."

"Sige po. Akong bahalang gumising kay Dylan," sabi ko.

"Pag may kailangan kayo, andun lang ako sa likod bahay. Andami kasing labahin," sabi ni Tita Babes.

Tumango ako. "Una na po ako sa taas."

Peaceful pa ngayon sa looban nila Dylan, kasi tulog pa ang mga chikiting ni Tita Babes. Pero once na gumising na silang lahat, hala, ang gulo.

Tatlong floor 'yung bahay--ay, mansion pala--nila Dylan. Si Tita Melody ang may-ari. Pinatira niya sila Tita Babes at pamilya nito sa first floor para naman daw may kasama si Dylan. Nalipat kasi ng trabaho 'yung asawa ni Tita Babes malapit dito. Kaya nung matapos 'yung bahay, ayun perfect set-up. Instant guardian sila ni Dylan. Bihira naman kasing umuwi at magbakasyon si Tita Melody.

Tinggal ko 'yung slippers ko at pumanik na ko sa second floor, also known as ang flat ni Dylan. Ha. Ha. Or condo niya. May sarili itong entrance mula sa baba. 

At syempre, meron din akong susi ng floor ni Dylan, kaya hindi ko na kailangang kumatok at bulabugin siya. Pinakopya ko 'yung kanya. Baka kasi magkaroon one day ng emergency, tapos hindi namin mabuksan ang pinto papuntang second floor. Delikado na. Lalo na mag-isa lang si Dylan sa second floor.

Bumababa lang si Dylan pag kakain. Or tumatawid ng kabilang bahay at sa amin nakikikain. Magulo daw kasi at maingay masyado sila Tita Babes.

Kami kasi ni Nanay, kaming dalawa lang, kaya mas tahimik. Tsaka medyo tahimik din yung nanay ko compared sa armalite ng ibang nanay na nakikita ko. Pwera nalang pag sobrang galit siya sa akin at puro ako kalokohan. Yung tipong OA na ko sa kaweirdohan at quota na ko sa limit ng mahaba niyang pasensya.

"Ang kalat," sabi ko sa sarili ko pagpanik ko. Grabe. Alam kong hindi ganoong kalinis si Dylan, pero parang pugad ng baboy yung buong second floor.

Kulang nalang feeds at putik.

Yung computer niya na nakalagay sa sala, puno ng empty instant noodles na lalagyan. Mamatay si Dylan ng maaga. Puro vetsin nasa dugo niya. Or pwede din mapreserve siya forever. Dapat pala sabihin ko ito kay Nanay, para di na siya maglagay ng masyadong asin sa inuulam namin. Baka ma-asin overload si Dylan. Wala na ko best friend!

Halahalabid ang cables ng TV at play station niya, natalapid tuloy ako. Ay, grabe! Paano ka pa makakalakad papunta sa kwarto niya kung ganito ang dadaanan mo? Mag-aalaspiderman talaga ako nito.

After twenty years, nakarating din ako sa dulong kwarto. Sa mga oras na ito, matanda na ko at may mga anak na. Ha. Ha. Feeling ko ganun ang nangyari.

Apat ang kwarto sa second floor. Isa kay Dylan, isa sa mommy niya na umuuwi minsan, isa para sa mga sophisticated niyang gaming devices (yes, laki sa luho si Dylan at spoiled sa mommy niya), at isang guest room (na dineklara ko na bilang kwarto ko; 'yung iba kong damit, nasa cabinet na nila). Katabi ng CR yung maliit na kitchen. Actually, yung kitchen lang 'yung malinis sa lahat ng mga kwarto. Kasi ndi naman marunong magluto ang ugok na nakatira dito.

Andito rin pala sa second floor yung stairs papuntang third floor. Andun 'yung entertainment room. Basta, ubod ng daming pera ng mommy ni Dylan at meron pa silang entertainment room bukod sa kung ano-anong makikita mo na pakalat-kalat dito sa second floor.

Pero inaakyat lang namin 'yung third floor pag Halloween, kasi swak sa theme. Agiw pa more! Puro alikabok at wala naman nagmemaintain. Napapagod daw si Tita Babes na linisin at lalo na hindin naman laging ginagamit. 'Yung first floor nga lang daw, nakakadrain na ng energy. Ayaw naman ng mommy ni Dylan na kumuha ng katulong. Gusto niyang masanay si Dylan na mag-depend sa sarili niya. Ha. Epic fail lang, Tita Melody. Hindi pa rin po marunong maglinis ang anak niyo after ten years. Damit nga po niya, maswerte na pag naalalang labhan.

Binuksan ko 'yung pinto ng kwarto ni Dylan, sabay sigaw ng, "Uy, Dylan, gising! Birthday ko na! Happy birthday to me! Happy birthday to me! Happy birthday to me!"

Nabugnot si Dylan, sabay takip ng tenga niya gamit 'yung throw pillow.

"Happy birthday sa magandang si Arya. Ako ay seventeen na! Pwede na magboyfriend, pero wala pa din love life! At bawal malaman ni Nanay! Lalo na pag naging kami ni Michael Cojuangco, ang pinakagwapong pinakagwapo..." Patuloy akong kumanta habang nagda-damoves. Syempre, birthday ko naman. Pwede na kong pagbigyan ng world. Once a year lang. Hindi na siguro 'yun masama. "...nilalang sa mundo!"

Hindi na nakatiis si Dylan. Parang naalimpungatan na bumangon, sabay sabi, "Seryoso, Arya? Nambubulabog ka ba ng mga kaluluwang natutulog?"

"Grabe ka naman! Alam ko naman na November 1 ang birthday ko, pero wag mo namang gawan ng joke na ganyan. It hurts," sabi ko, paarte effect pa na nasasaktan sa dibdib. Tumabi ako sa kanya, sinisiksik ang sarili para lalo siyang magalit.

"Ay!" sigaw ni Dylan, iritable. "Umagang-umaga naman, o?

"Batiin mo na ko, dali! Ikaw dapat ang unang mag-greet sa akin. Alam mo ba na tumakas ako sa bahay namin gamit ang bintana ng kwarto ko para lang ikaw ang unang makabati sa akin? Nag-effort kaya ako."

Napabuntong hininga siya. Tapos bigla niyang nilagay ang braso niya sa balikat ko, sabay kiss sa pisngi. "Happy birthday, magandang si Arya."

Kruu.

Kruu.

Kruu.

Fine. Aaminin ko, kahit friendly kiss lang 'yun, nagblush kaya ako ng husto. Pero dapat i-compose ang sarili. Self, calm down. Wala 'yun meaning. 'Wag kang ambisyosa.

"Ayan, tumahimik ka din," sabi ni Dylan, sabay inat at poporma ng higa ulit.

"Ugok! Nananaginip ka pa ba?" sabi ko, sabay hawak sa collar ng shirt niya at inalog siya. Okay, siguro once or twice na-kiss ko na si Dylan before sa cheeks. Kadalasan, dahil ito sa sobrang tuwa, lalo na pag talagang naguumapaw ako sa galak at siya ang kasama ko. Siya naman kasi lagi ang kasama ko at wala naman akong ibang best friend na girl kaya sa kanya ko nababaling ung sobrang tuwa ko at ayun nga.

Pero eto ang first time na kiniss niya ako sa cheek. Hindi ko talaga inexpect. At deep inside, kahit pinipilit kong baliwalain 'yung after effect ng ginawa niya at mag-act as normal, talaga namang lakas ng kabog ng puso ko.

Nakakainis. Tagos, eh.

"Uy, Dylan," sabi ko, medyo mahina na 'yung boses ko. Bumalik kasi ulit siya sa pagtulog, naghihilik pa. Hindi morning person si Dylan at alas sais palang ng umaga. Naintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang bumangon. Malamang, puyat na naman kakalaro ng games. "Natutulog ka na naman."

No response. Patuloy ang paghilik.

Pero at least 'di ba, nabati na niya ako? 'Yun naman ang mahalaga. Siya ang unang taong gusto kong bumati sa akin. Hindi ko din alam kung bakit. Siya din kasi ang taong alam kong hindi magagalit sa akin kahit bulabugin ko ng alas sais ng umaga at magdemand ng kung ano ano.

Ang aga ko kasi nagising. Ang totoo, excited lang. Kasi kahapon, nangako si Dylan na ibibigay niya ang number ko kay Michael. Gusto ko sana i-follow up kung ano na ang plano niya.

Ayan na naman. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Tignan mo, parang kanina lang kay Dylan. Ngayon, kay Michael naman. Split personality lang ang drama ng aking heart.

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon