20th 💗

1.6K 95 64
                                    

20th 💗  

Pagbaba namin ng kotse, kinorner ako agad ni Lisa. Deadma siya sa mga kasama namin. Hinatak ako paakyat ng People's Park.

Naglakad lang kami kasi hindi naman mataas. Pero malamig na. "Lisa, kunin ko lang saglit 'yung jacket."

"Kuya!" sumigaw si Lisa sa likuran namin. "Jacket ni... ah, dala naman pala niya. Mamaya ka na mag-jacket. Ikaw ha, ibibisto mo pa ako kay Kuya."

"Hindi pa ba niya alam?" sabi ko, maang-maangan pa din.

"Ewan ko. Wala naman siya nababanggit," sagot ni Lisa. "Pero ano nga, totoo kayo ni Michael?"

"Hindi pa."

"Hindi pa?" inulit niya.

"Nanliligaw siya sabi niya," sabi ko, nahihiya ng slight.

"Totoo? As in si Michael Cojuangco na captain ng basketball team? 'Yung gwapong half-half? 'Yung crush mo?" paulit-ulit si Lisa.

"Oo, siya nga."

"Paano nangyari? May kinalaman ba si Kuya Dylan?"

"Oo? Pinilit ko siya actually na ipakilala ako kay Michael. Long story short, naging close kami ni Michael for ilang weeks tapos eto na..."

"As in nililigawan ka niya?"

"As in..." sabi ko. "Siguro. Sabi niya."

Niyakap niya ako. "Wow, grabe! I'm so happy for you. Well, slight pala."

"Slight lang?"

"Kasi gusto ko pa din kayo ni Kuya ang magkatuluyan. Pero go lang. Kailangan mong makita ang mundo para malaman kung nasaan ba ang hinahanap ng puso mo," sabi ni Lisa, tunog makata.

"Wow ha, hindi talaga i-gigive up sa idea na magiging kami ni Dylan?"

Ngumiti siya, labas din ang dimples niya. "Bagay kaya kayo. Sa lahat ng 'couple'... o, wag mo akong tignan ng ganyan. I mean, sa mga couple as in two people, kayo ang pinakaswak sa isa't isa. Para bang perfect fit. Bihira kaya ang ganun."

"Pero dahil ba sundong-sundo at compatible ay dapat maging kayo?"

Nag-isip din siya. "Well, hindi naman siguro. Kaya nga baka sakali lang, kasi sayang naman kung hindi."

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko, hindi kami pang ganung level."

"Malay mo, balang araw..."

"Balang araw ano?"

"Maging, ano, more than friends kayo. Wala naman makakapagsabi kundi si destiny," giit ni Lisa.

"E kung kami, dapat matagal na. Sa tinagal-tagal na naming magkakilala..."

"Ayun na nga eh, ang haba ng prusisyon," sabi ni Lisa. "Saan ba kasi ang simbahan? Baka may detour naman, bakit hindi pa 'yun ang daanan?"

"Ayaw mo talaga magpatalo?" natawa nalang ako.

"Sana naman maisip ni Kuya na ligawan ka din. Hindi pa naman kayo ni Michael. May pag-asa pa."

"I-push yan!" sabi ko.

"At tsaka 'yung kay Andy, quiet ka lang," sabi ni Lisa sa akin.

Lumingon ako at nakita ko na paakyat na sila Andy at Dylan, naghahabulan. Parang wala lang na naka-slope pataas 'yung inaakyat nila. Naghaharutan pa sila.

Si Jill naman, easy lang sa pag-akyat, nagbabasa pa din sa cellphone. Ang galing nga ni Jill kasi hindi nababangga. Naiiwasan niya kahit nakatitig lang siya sa cellphone.

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon