PART 2 🏹

1.9K 82 208
                                    

21st 🏹

Magkaiba kasi 'yan.

Simula nag-high school kami, lagi nilang tinatanong sa akin kung bakit hindi ko ligawan si Arya. Para na kaming pinagbiyak kasi lagi kaming magkasama. Pati ugali namin, magkasundo. Walang patay na oras kapag siya ang kausap ko.

Pero hindi naman 'yun lang ang batayan para maging kami. May pagkakaiba kasi nga 'yan. Kung isang pie chart ang lahat ng kakilala kong babae at mga 3% ang masasabi kong na-aattract ako at one point, mga 0.5% lang dun ang pwede kong ligawan.

Mula sa 0.5% na 'yun, iilan lang ang liligawan ko talaga. Dalawa lang naman ang naging ex ko. Hindi ko nga alam kung relasyon ba ang tawag dun. Text at once or twice lumabas at nagdate. Pagkatapos nun, laging nagiging issue na close kami ni Arya, kaya hindi naman tumatagal.

Sa pie chart ng lahat ng babaeng kilala ko, kasama si Arya sa mga minsang na-attract ako. Nangyari 'yun one time, mga ilang taon na ang nakakaraan.

Pero may sariling lugar si Arya. Masasabi mo na kasali siya sa percentage ng mga hindi ko pwedeng ligawan. Hindi dahil kulang ang attraction na naramdaman ko sa kanya. Mataas lang kasi ang pagtingin ko kay Arya. Hindi pala ibig sabihin mababa ang tingin ko sa iba. Mahirap din ipaliwanag. Siguro sasabihin ko nalang na kung may pie chart, nasa labas siya neto. Kung may rule, si Arya ang palaging exemption.

"Andy, bakit mo ginawa 'yun?" napasigaw si Lisa, inis na inis. Pinuntahan niya si Arya at hinila sa isang tabi, may tinatanong. Pagkatapos, bumaba na sila at sumunod si Jill.

"Pre, mamaya mo na siya kausapin." Hinila ako pabalik ni Andy.

"Itatanong ko lang kung okay siya," sabi ko. Nag-iba kasi itsura ni Arya. Parang gustong umiyak.

"Mamaya na," sabi ulit ni Andy habang naglalakad kami sa may likuran nila.

"Okay lang kaya 'yun?" tanong ko, nagaalala. Pagkababa namin, dumiretso silang tatlo sa CR ng babae. Mukhang hindi nga ako ang kailangan ni Arya.

"Antayin nalang natin," sabi ni Andy. Nakaabang lang ako kasi baka lumabas din sila agad. "Pasensya ka na pala, pre."

"Bakit mo naman naisipan na biruin kami ng ganun?" tanong ko.

Tinaas niya ang mga kamay niya, defensive. "Hindi ko naman akalain na tatama."

"Pero ginawa mo pa din," sabi ko.

"Pre, wag ka ng magalit. Wala naman 'yun."

"'Pag umiyak si Arya, malilintikan ka sa akin," sabi ko sa kanya.

"Pasensya na. Napasama lang ang biro. Hindi ko na uulitin," sabi ni Andy.

"Pasalamat ka at kaibigan kita," sabi ko. Hindi naman ako talaga galit, pero ayokong may nanakit kay Arya. Siguro nga tama si Lisa na lakas ng protective instinct ko lagi.

Tahimik nalang kaming nag-antay sa may labas, nakaupo sa hagdan. Ang tagal nila, parang wala ng planong lumabas sa CR. Sarado na ang People's Park at nagstart na din na dumilim.

After ilang minuto, tumingin si Andy sakin mula sa cellphone niya. "Pre, tanong lang."

"Ano?" sabi ko sa kanya, may duda kasi iba tono niya bigla.

"Tanong lang talaga," inulit ni Andy, nakangisi.

"Ayos mo."

Nag-pause siya, bago tinanong, "Ano naramdaman mo?"

"Saan?"

"Kanina," pinoint out niya. Tapos bigla siyang ngumuso. "Nung sa kiss."

Muntik ko ng masapak ang loko sa inis kung hindi ko siya kilala. "Tigilan mo nga ako."

A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon