8th 💗

2.8K 95 56
                                    

8th 💗

Wala pang tao sa bahay namin nung dumating ako, kaya lahat nagawa ko--mula sa pagtalon all over the house na tila nanalo sa lotto, pagtili sa kilig (gamit ang unan, kasi di ko naman gusto kong bulabugin ang lahat ng aming kapitbahay), at pakikipagusap sa teddy bear na regalo ni Dylan noong 12th birthday ko.

After mga thirty minutes, napagod na din ako. Nahiga na ako sa kama.

"Ano kaya irereply ko?" tanong ko sa sarili.

Ano nga ba? Wala akong maisip. Ang alam ko lang, number na eto ni Michael Cojuangco! As in real life number niya at kinakausap niya ako.

Or si Bianca Marie Rivera.

Kahit na, pangarap ko lang naman makausap siya, kahit sino pa ang gamitin kong identity. Tapos... tapos... 'yung magiging close. And di tayo sure, malay mo, maging kami!

Namatay-matay na ako sa kilig iniisip ko palang.

Pero kailangan ko na talagang magreply. Mag-iisang oras na ang nakalipas. Baka isipin ni Michael na masyado naman akong pakipot. Or worse, baka isipin ni Michael na di ako interested.

 Or worse, baka isipin ni Michael na di ako interested

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binura ko 'yung message. Mahirap na at baka ma-send ko pa. Sobrang creepy ng dating.

Kailangan ko muna na makausap si Dylan. Hindi ko pa alam kung paano niya binigay kay Michael ung number ko. Kailangang malaman ko muna ang full story bago ako makapagreply.

Nagpalit ako ng pambahay, tapos dumiretso na ko sa bahay nila Dylan.

"Arya! Punta ka samin?" Nakasalubong ako ni Tita Baby. Mukhang galing siyang palengke kasi ang daming pinamili na mga nakasupot.

"Opo. Andyan na po kaya si Dylan?"

"Hindi ko din alam. Kadarating ko lang. Tera, tignan mo nalang sa taas," sabi ni Tita Baby.

Sumunod lang ako, mukhang tanga na nakangiti sa cellphone ko.

Dumiretso na si Tita Baby sa kusina, tapos ako naman pumanik na sa taas. Dahil sa pagmamadali, cellphone lang nadala ko. Nakalimutan ko 'yung susi sa floor ni Dylan.

Tinatamad na kong bumalik. Bakit kaya wala pa siya?

Habang nagaantay, naupo ako dun sa labas ng pinto. Siguro naman pabalik na si Dylan. Baka kasi isipin ni Michael na iniignore ko siya, kaya nagreply ako ng isang harmless na reply. Kahit paano pa binigay ni Dylan ang number ko kay Michael, hindi maapektuhan ng reply ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A 200-175 Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon