Chapter 11

5.7K 97 54
                                    

                    Isang tahimik na umaga ng byernes, habang busy si Kim na nagbabalik ng mga hinugasang gamit sa karitela ng lugaw sa harap ng bahay nila, nang mula sa kung saan, para syang kinalabit palingon sa likuran nya.

Kaya pala!

"BATA! MASASAGASAAN!" Sa gulat ,malakas na naisigaw ni Kim. Kitang-kita kse ng mga mata nya kung paanong mahahagip ang batang babae ng padating na tricycle.

Mukhang hinabol nito ang bolang gumulong palabas ng gate mula sa katapat na malaking bahay. Hindi nya kilala ito at ngayon lang nakita. Malamang bisita ng mga 'Licauco'.

Dulot ng pinaghalong adrenaline rush, takot at gulat, nakakatakang mabilis na kumilos sya at nayakap ang bata patabi. Split seconds lang ang pagitan para maging isang aksidente. Mabuti't hindi sya iniwanan ng presence of mind. Feeling nya sinapian sya ni  Darna  na nakalunok ng bato sa pagiging stunt woman nya! Pero bukas malamang ,iindahin nya ang sakit ng pang-upo at ilang galos!

"Okay ka lang ba?" Yakap at hindi pa rin nya mabitiwan ang bata.Mabilis na ininspeksyon ang katawan nito kung mayroong natamong sugat ng hindi binibitiwan ito. Bahagyang napahinga sya ng maluwag ng walang makita kahit galos. Pero ng mapatingin sya sa mukha nito, halata dun na nahintatakutan ang bata.

Na-shock yata!  Mukha kaseng maiiiyak ito ng masalubong nya ang magandang mata nito na singkitin na nakuhang mamilog dahil sa takot.

May kung anong malakas na impact ang tumama sa dibdib ni Kim ng magtama ang mga mata nila ng bata. Yung klase na nakakapagpalambot ng puso. Yung gusto mong taasan ng balahibo sa katawan. It felt like she was struck by a gazilion volt. May magic na mahirap ipaliwanag. Basta magaan agad ang loob nya dito kahit ngayon lang sila nagkita.

Naalala nya ang driver ng tricycle nang magsalita sa likod nila at alalayan silang tumayo. Buti huminto ito  para check-in ang muntik nitong masagasaan.

"Kuya, ikaw nman uli-uli magdahan-dahan ka naman ng pagmamaneho mo. Alam mo nmang maraming bata dito sa lugar natin." panenermon nya dito.

"Naku , pasensya na talaga ha, di ko kase napansin ang anak nyo eh ang dami kong iniisip eh." kamot ulo nito.

Hindi nman naitama ni Kim na hindi nya anak ang bata dahil abala sya sa panenermon dito.

"Eh naku , kuya. Kung marami ho pala kayong iniisip di kayo dapat bumyabyahe muna dahil baka ho lalong magkapatong-patong ang problema nyo!"

"Pasensya na talaga, misis!" hinging paumanhin ulit nito.

Naawa nman si Kim at todo hingi nman ng despensa ang lalaki kaya di na nya ito tinalakan pa lalo at wala nmang nangyaring masama. Isa, pa wala nmang may gusto kung sakali lalo at mukhang hindi marunong sa kalye ang batang yakap nya.

"Sige ho, at mag-ingat na lang kayo sa susunod!" 

"Ne, may masakit ba?" masuyong tanong nya ulit pabaling sa bata ng makaalis ang driver na muntik makasagasa.

Pero imbis na sumagot, yumakap at nagsumiksik ang bata sa katawan nya. Doon nya naramdamang nanginginig ito . Sa takot malamang. Naawa sya dito. Inilayo nya bahagya ang katawan nito sa kanya para pagmasdan maige ito.

Ngayon maayos na napagtuunan ni Kim ang itsura nito. Mukhang anak mayaman nga . Chinese malamang dahil nga sa singkit na mata. Di dapat na pagtakhan kung ang ka-berks nito ay ang mga 'Licauco' sa tapat. Sa pisikal na kaanyuan pa lang, madali nang hulaan.

Maputi ang kutis na mamula-mula lalo na at flushed pa ito sa nangyari. Ang itim na itim at tuwid na buhok na pwedeng isali sa commercial ng mga kid's shampoo. Contrast sa medyo light sa pangakaraniwan naman ang pagkabrown ng mata. Pamilyar sa kanya iyon. Mabango din ang bata hindi amoy araw.Malinis ang suot na alam mong di basta-basta.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon