RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

15.4K 72 10
                                    

Traydor ang mga alaala.

Magpapaalam sa’yo

hanggang makalimot ka.

Pero eksakto. Sa puntong

sinabi mo na sa sarili mong

wala ka nang isasaya pa,

lilitaw siyang muli.

Na mula sa malayo pa lang

ay kilalang-kilala mo na.

At paglapit nito sa’yong harapan,

babalik ka sa pamilyar na lugar.

At ikaw ay mamamatay na naman.

Tuloy, takot ka nang maging masaya.

Pagkat

Traydor ang mga alaala

~ILAYA

         Sabi nga ng isang anonymous na may pinagdadaanan at malalim ang hugot sa love:

'Nobody wants to hear this, but sometimes the person you want most, is the person you're best without.' 

Pero paano kung sa pagbabalik ng taong matagal nang wala sa buhay mo guluhin ang akala mong maayos mo nang buhay?...

Yung akala mo nakalimot ka na, nakalimot na sya ...quits lang ika nga!

Paano kung mas may kukulit pa kay tadhana at feel nyang maglaro kayo ng 'Taguang Pung,Mahuli Taya!' at mukhang ikaw ang balagoong...

Magbabalik ang multo ng nakaraan para maghabol at maningil ...At ang nakataya, kamatayan na  nman ng puso mo!

Kahit pa sabihing 'All is fair in love'..hindi pwedeng hindi mo minsan maisip na unfair ang magmahal kase laging may isang puso ang masasaktan...maiiwan!

 It's all about choices and why's...second chances and forgiveness...

Kse madalas, kapag kaya mo nang aminin, tanggapin, bigyan ng sagot ang mga tanong, dun mo malalamang madali nman pala ang sumaya...

Author's Note:

Walang duda(lalong walang kokontra), magaling na kontrabida si Kim sa role nya as young Alondra sa MLKI. Kinilig tayo sa pagte-third wheel nya kina Joaquin. Kung ganun i-try nating maldita si Kim sa KXFF na 'to. Imaginin natin na ganun sya sa mga mauunang part ng story.

Dahil sa realidad ng buhay, ang taong natututong magmahal at nagpaalipin sa 'love' ay nagiging ibang tao. Minsan kahit nman hindi nya ugali,natututong maging masama...sapian ng selos,maging madamot  at lumaban(pantay o hindi!). Okay lang minsan,pero dapat nga in moderation lang . Lahat ng sobra ,hindi healthy !

Parang cute lang kse yung role na bida/kontrabida, maiba  din nman! 

Enjoy po sa bagong kwento sana magustuhan nyo . Kung maiinis kayo sa ugali ng bida, okay lang basta huwag po ibunton sa akin (inosente po ako) hehehe...O kaya,isumbong na lang po at pagawan ng file sa barangay! :P

Happy New Year!!!

AlingAudreyH

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon