Chapter 12

4.2K 93 32
                                    

         Napakahaba ng unang araw na yun para kay Xian. Pagod ang pakiramdam nya at sumasakit ang ulo nya sa maghapong seminars and meetings with investors saka mga future clients. Ni ang pagtawag at pangungumusta sa anak ay di nya naisingit kaya matapos maghilamos , inihanda nya ang sarili para sa pakikipag-usap dito .

Aaminin nyang napakahirap sa kanya ang mahiwalay dito kahit pa ilang araw lang.  Kung pwede nga lang, bibitbitin nya ang anak kasama sa business trip na yun pero hindi nman pwede. Kaya mas mabuti na ring kahit paano payapa ang loob nyang may kasama at may kalaro ito na ka-edad habang wala sya .

Hindi na naman iba sa kanila ang mga 'Licauco'. Pinsang buo ng Daddy nya ang ama ni Lara. Ang pamilya lang ni Lara ang nakilala nya sa kamag-anak ng ama nya. Ito lang kase at ang pamilya nito sa US ang napalapit sa kanila mula pa noong dalaga pa ito hanggang nakapag-asawa at bumalik ng Pilipinas recently.

 Hindi naging madali ang lahat sa kanila nang bumalik sya ng Amerika bitbit ang anak na sanggol pa lang......

                                                          ***

"My!..."

             Salubong ni Xian sa ina na tulalang nakaupo sa waiting room ng ospital.Mugto ang mga mata nito kung dahil walang tulog o walang tigil sa iyak. Gusto nyang makaramdam ng takot at matinding pag-aalala para dito. Pigil nya ang sariling alalahanin na kung ano man ang mangyari sa Daddy nya, na baka bumalik sa dating sakit na depression ang ina. Bahagya na nga itong nakabawi at sumaya ulit mula nang magbalik ang ama sa buhay nila. 

Mula sa airport ay derecho sila ng anak sa ospital kung saan dinala ang Daddy nya. Kasalukuyan itong inooperahan at agaw buhay. He was admitted at the hospital three days ago  complaining an abdomenal pain  na inakalang minor lang.At kahapon nga , nabigla sya sa tawag na ooperahan daw ito dahil sa nakitang urgent symptoms of abdominal aortic aneurism kaya mabilis syang nagpasyang umalis. Mabuti na lang, mas maaga nyang naipasa ang application ng anak gamit ang naging kondisyon nito pagkalabas ng ospital plus ilang koneksyon at kaibigan na mapadali ang mga papeles kaya naisama nya ito.

Maluha-luha ang  ginang nang makita na may kargang sanggol mula sa baby carrier sa katawan ng anak. Para itong nakakita ng kakampi o kakilala mula sa pagkakaligaw sa isang estrangherong lugar.

"Alexander!" sabay mahigpit na yakap ng makalapit. Di napigilang umiyak. "Ang Daddy mo..."

"Shhh My, don't cry now,we're here . Dad's a fighter don't worry. Everything will be alright.." alo ni Xian sa ina.At para gumaan ang emosyon sa pagitan nila, naalala nya ang anak na walang kamalay-malay na tulog sa dibdib nya. "My, hindi mo ba iwe-welcome ang unang apo mo?"

Saka lang nagkaroon ng mumunting kislap ang basa pa nitong mata. Kislap ng tuwa para sa cute na baby.

"Ang apo ko! Ang cute-cute! ...Alexander, tanggalin mo sya jan sa carrier at bubuhatin ko , kawawa nman kanina pa yata sya jan. Huwag mong sasanayin na laging nakasabit ang apo ko" tukoy nito sa baby carrier. Parang biglang parang nawala ang kaninang lungkot nito sa pinagdaraanan ng asawa. Magandang diversion ang anak nya para huwag masyadong malungkot at mag-alala ang Mommy nya. 

"Nasaan nga pala si Kim?" muling baling nito sa anak habang kalong ang apo. "Hindi nyo ba sya kasama?" At si Xian nman ang biglang parang namutla at natuka ng ahas sa simpleng tanong ng ina. 

Kilala ni Mary Anne ang anak, napabuntunghininga na lang sya kahit na walang sagot syang narinig mula dito. Ang expression nito at pananahimik ay sapat na sagot na may hindi na nman magandang nangyari .

Sinasabi na nga ba nya. Ang biglaang pag-uwi nito sa Pilipinas ay walang kinalaman sa alibi nito na pagnenegosyo. Kaya hindi na sya nabigla nang sabihin nitong may apo na sila. Pero hindi nya inakalang sa pagbabalik nito ay hindi nito kasama ang asawa. Buong akala pa nman nya ay nagkabalikan at nagkaayos na ang dalawa. Yun pa nman ang matagal na nyang ikinukulit sa anak mula nang maghiwalay ang mga ito.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon