Chapter 7

5.6K 60 12
                                    

                     "Anong ginagawa mo dito?!"

Si Xian.Sa umpisa lang ang naging gulat nito dahil biglang nagpalit ito agad ng emosyon. Coldness. 

Gustong umurong ni Kim sa gagawin pero inisip nyang ito na ang chance nya. Kung uurong pa sya at panghinaan ng loob baka lalo nang lumaki ang distansya nila ni Xian. Lalo sa nakikita nya sa mga mata nito, mas malaki ang porsyentong mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan nya!

"Bakit mo ako iniiwasan, Xi?"

Mukhang mabilis na nakabawi ito.Nang tumingin ulit ito kay Kim ay  tila lagpasan na. Wala kang maaninag na dating kasiyahan o recognition man lang na mag'bestfriend' sila. Bumuntunghininga pa bago nagsalita habang inabala ang ulit ang sariling ligpitin ang mga papeles sa la-mesa nito. Mukhang balak nang umuwi.

"Sa lunes nga pala kakausapin ko na ang Papa mo. Magrerequest ako na baka pwedeng lumipat ng ibang project!" Nakayuko ito nang sinabi yun.

              Ano ba ang pakiramdam ng masasagasaan?Tipong nagkagulatan na kayo ng kotse na sobrang clueless ka at ayaw nang kayaning i-process ng utak mo kung paanong hindi mo napansin o hindi ka napansin at ngayon nga sasagasaan na. Yung napaka-helpless ng pakiramdam mo at gusto mo na lang na ipikit ang mata, makiramdam kung kailan tatama ang bumper o kung kelan ka lilipad sa ere at saka babagsak. Kahit gustuhin mong gumalaw di mo magawa man lang maihakbang ang mga paa paiwas o kahit ang makaramdam ng ano pa man maliban sa acceptance... na mahahagip ka!

Yan ang eksaktong nararamdaman ni Kim. In a split seconds of death...ng puso nya!

"W-why? Why do you need to do that?!" pigil ni Kim ang pagbabago ng tinig. Ang pagkabasag. Tanong na kusa na lang lumabas sa bibig nya. 

Of course alam nya ang dahilan ni Xian. Pero sadya yatang masokista sya para gustuhin pa nyang marinig dito mismo ang isasagot nito.

Nagtagpo pa ang mata nila. Si Xian ang unang bumawi.Umiwas.

"I believe it's the best thing to do...."

"Para kanino?....Sa akin? sa'yo?" Kim knew she sounded so desperate. "Paano naging best thing yun kung aalis ka ?"

"Kim , please understand! Huwag tayong magpatay -malisyang walang nagbago after. Dahil malaki! Marami! Apektado pa rin ako ng break-up namin ni Erika at hindi ako makakapangako sa'yo na...I no longer know myself!" bakas ang paghihirap at kaguluhan kay Xian. "Hindi ko gustong lalong masira ang pagkakaibigan natin. Maisip mo na inaabuso ko ang pagdamay mo. Dahil hindi ko maipapangako sa sarili kong hindi mo maramdamang naging rebound ka lang. I don't want that to happen to us. I don't want to hurt you!"

Nanghihinang napaupo si Kim sa armchair na nasa harap ng mesa ni Xian. Kung di nya gagawin, hindi nya alam kung dapat asahan ang tatag ng tuhod nya. 

"Aalis ka dahil hindi mo ako gustong saktan?... Pero alam mo bang mas lalo mo lang akong sasaktan kung aalis ka, Xi? " Maulap na ang mata nya. "Kung inaalala mo ang nangyari sa atin , forget about that! Kalimutan na natin yun. Isipin mong hindi nangyari yun kahit kelan. Wala ka nang maririnig sa akin pagkatapos nito!....But please don't leave!"

Hindi na naririnig ni Kim ang sarili kung gaano ba sya nakakaawa at kadesperada sa tono nya. Sabi nga nila , ang mga taong umiibig daw, kayang gawin ang lahat pikit -mata. Ang tumalon sa bangin o manungkit ng bituin. Ang lumunok pa ba ng pride at pagkatao hindi nya kayang gawin ?!

"You don't need to sacrifice yourself for the sake of our friendship."

"Damn it, Xi! Hindi ko sinasakripisyo ang sarili ko para lang sa friendship natin..it's because I love you!"

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon