Chapter 15

3.2K 116 41
                                    

                      Si Xian ang naki-usap kay Kim na makausap nya ang Papa nito matapos nyang mag-offer na alalayan mula sa wheelchair pahiga sa kama ang dating byenan . At mukhang naintindihan nman ni Kim ang kagustuhan nyang makausap ng private ang Papa nito. Iniwan sila ni Kim para puntahan ang mga batang nasa living room.

"Sir, humihingi po ako ng sorry sa lahat nang mga nangyari. Gusto ko hong bumawi sa mga maling decisions ko noon na magkalayo ang mag-ina ko. Hindi na lang ho ako mangangako pero gagawin ko na lang na hindi na mangyayari na magkahiwalay pa sila. "

Umungol lang ito .Tanging ang munting galaw ng labi nito na mukhang isang ngiti ang nakapag-alis ng alinlangan  nya. Mukhang mabilis din itong nakapagpatawad katulad ni Kim.

"Kung ayos lang ho sa inyo, hihingan ko sana nang permiso na gusto ko ho sana na makalipat kayo sa mas maayos na bahay saka matulungan kayo sa pagpapagamot." Ungol lang ang naging sagot ulit nito,pero humigpit ang hawak nito sa braso nya at nakita rin nya ang panunubig ng mata ng matanda. Lalo sya nakaramdam ng awa at determinasyon na matulungan itong gumaling. Gusto nyang kahit na nahuli man ang pagkikita ng anak nya at lolo nito, ay maenjoy nito ang apo . Alam nyang may magagawa pa sya para makabawi.

Pagpayag ang pagkakaintindi ni Xian sa gestures ng matanda. Kaya yun ang gagawin nya. Kailangan lang nyang makausap si Kim sa tulong na gusto nyang ibigay sa mga ito. Lalo at mag-asawa pa din nman sila technically! Ang ano mang meron sya ,ay kay Kim din kahit gaano pa ka-abnormal ang relasyon nilang dalawa!

"Pag-usapan natin ang magiging set-up natin kay Kiara..."  si Kim na ang unang bumanggit. Magkaharap silang nakaupo sa harap ng la mesa habang nagkakape.

"Yeah. Good thing you mentioned it." di mapigilan ni Xian ang mapangiti. Di na sya mahihirapang humanap ng chance.

Di nakaligtas kay Xian ang nakita nyang emosyon sa mukha ni Kim sa pagkakatingin sa kanya. Her eyes were soft...and dreamy. Saka biglang parang nagising at napalitan ng pagkablanko. Nawala ang kanina lang kislap,napalitan ng kalamigan .

" I wanted to offer help. Na sana pumayag kang ilipat ko kayo sa mas maayos na bahay ...Tingin ko mas --"

"A-anong sinasabi mo?T-teka lang ah! Bakit kailangang lumipat?..." Pinilit pahinain ni Kim ang boses nang pagrereklamo. Napatingin pa sya sa lugar na kinaroroonan ng mga bata sa pag-aalala na narinig ang bahagyang alsa sa boses . Nang magsalita ulit, pinilit nyang pakalmahin ang boses pero andun ang kaseryosohan. "Hindi kasali sa agenda ko na mabago ang kinasanayan naming buhay lalo ang magpa-ampon . Ang anak ko lang ang gusto kong ihingi ng karapatan."  

Mukhang nagbabago na ang isip ni Kim. Parang gusto na nyang batuhin ng sandok o batukan ng kaldero ng lugaw  si Xian sa paniningil ng mga kasalanan nito sa kanya dahil naggigil sya ngayon. Sino ba ito sa akala mo kung sino  na susulpot na lang bigla at gustong maging 'Genie' na babago sa kapalaran nila.

"Can we try to  talk about this maturely? Relax, I just wanted to help ok?!" mahina rin ang boses ni Xian .

Sarkastikong ngumiti si Kim bago sumagot. " Philanthropist ka na pala ngayon..but I'm sorry to say this, sa iba mo na lang gawin ang pagiging good samaritan mo!" akmang tinatapos na ni Kim ang pag-uusap sa ginawang pagtayo pero mas mabilis din ang kilos ni Xian. Nahagip nito ang galanggalangan(*wrist) ng asawa para pigilan ito.

Ang isa pa sa nakakabahala sa pakiramdam ni Kim eh yung di nya namalayan na ganun na kalapit ang mukha nila sa isa't-isa. Ramdam na ramdam nya ang hininga nito. Amoy nya na ang bango. Paano nito nagawang makalapit sa kanya ng di man lang nya namalayan? Yung totoo, ninenerbyos sya. Nakakapanghina ang epekto. 

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon