Chapter 9

5.1K 81 38
                                    

                     Ginabi na nman sya sa pag-uwi. But this time hindi sya nakainom. May limang minuto nang nakahinto ang kotse ni Xian sa tapat ng bahay nila pero parang di nya makuhang igalaw ang mga paa para bumaba at harapin ang realidad. Si Kim.

Di pa din sya makaget over sa mga natuklasan .Buong akala nya kase, nang pinakasalan nya si Kim, magiging maayos din ang lahat.Kung tutuusin napakaswerte nya. May pinag-aralan, magandang trabaho at may isang babaeng mahal na mahal sya.

Oo nga. Mahal na mahal sya na kayang gawin ang lahat kahit bilhin sya!

Nakakapanliit ang pakiramdam nya sa sarili.Daig pa nya ang naglalakad ng hubad sa kalye na hindi nya alam.

Isang buntunghinga ang ginawa nya bago binuksan ang pinto ng driver's side.  

This is it! Everything's going to end between him and Kim.

                       Excited si Kim ng araw na yun. Kahit pa halos maubos ang buong araw nya sa kasusunod sa lahat ng appointment kasama ng Papa nya. Kahit na halos buong araw silang di nagkita ng asawa. Tila may pakpak ang paa nya.

May good news kase sya. Nakuha na nya ang resulta ng check up nya noong nakaraang araw. She's pregnant! Nine weeks!

Magiging Mommy at Daddy na sila ni Xian. At sigurado syang matutuwa ang asawa sa ibabalita nya. Wala pa syang pinagsabihan dahil gusto nyang si Xian ang unang makaalam.

Pero panay na ang tingin nya sa orasan kahit nang lumampas na sa oras ng hapunan at magumpisa na nman syang kabahan sa di pag-uwi sa oras ng mister. Minsan di nya alam kung ano ba ang ibang pinagkakabalahan ni Xian. Madalas kse na napapansin nyang masyadong malalim ang iniisip nito . May kalamigan din ng pakikitungo sa kanya na ayaw na lang nyang pansinin dahil iniiwasan nyang maging matanong lalo na sa usaping damdamin .Ayaw nyang masaktan. Pilit pa rin nyang pinapapaniwala ang sarili na importante na rin sya para dito. Na magiging ayos ang lahat pasasaan ba.

Gusto nyang isantabi ang ideya na baka may kinalaman si Bart . Hindi! Napatahimik na nya ng pera ang bibig ng lalaking yun kaya imposibleng idamay nito si Xian. Malinaw ang usapan nila.

Buti na lang at wala ang byenan nya kahapon pa  dahil naimbitahan ito ng  kaibigan na magsimba sa Manaoag. Bukas pa ang balik kaya di sya nag-aalala na sagutin ang magiging tanong nito sa di pag-uwi agad ni Xian.

She decided to take a shower para naman maginhawaan habang hinihintay ang asawa. Gusto nyang may gawin para maalis ang kung-ano-anong nasa utak nya. Happy thoughts lang!

                           Pagpasok ni Xian ng kwarto nilang mag-asawa,  mabuti na lang at hindi sya sinalubong ni Kim. Dinig nya ang lagaslas ng bukas na faucet  o shower sa loob ng banyo kaya alam nyang andun ito. Wala syang sinayang na sandali at solidong tinungo nya ang closet at mula sa isang pinto nun ay inilabas nya ang isang duffel bag. Saka nag-umpisang lamanan ng mga damit . Sinisiguro nyang wala syang dadalhin na kahit anong nanggaling kay Kim. Mga damit na dala nya at binili lang ang dadalhin nya.

Sa ganung akto sya napagbuksan ng pinto ni Kim . Naka-bathrobe lang  at basa pa ang buhok. Nasa mukha ang gulat mula sa pagkakatingin nito sa bag na may mga damit nya.

"S-saan ka pupunta?"

"I'm leaving you!" hindi tumitingin na sabi ni Xian. Nasa boses ang finality ng sinabi.

Ni walang abiso. Walang busi-busina.

"You're what?!...But why? Ano bang nangyayari?..." litong tanong nya . Ayaw tanggapin ng isip ang sinasabi ng mister.Isama pa ang galit at ang sharpness ng kilos nito habang nagsisilid ng ilang piraso pang damit.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon