Chapter 8

5.3K 64 27
                                    

 "Kim!"

Mahinang tawag ni Xian sa asawa ng mababaan ito sa kusina na may kausap sa telepono. 

'Sa dis-oras ng gabi? Sino ba ang pwedeng kausap nito?' sa isip tanong ni Xian.

Nahulog ang cellphone na hawak nito at kita sa mukha ang gulat na parang nakakita ng multo.

May  ilang linggo na nyang napapansin na nagiging magugulatin ang asawa at parang laging may malalim na iniisip. Lalo na kung nagri-ring ang telepono. Hindi rin minsan mapakali.

"Okay ka lang ba?" worried na tanong nya dito ng makalapit.

"Y-yeah I'm okay . N-nagulat lang talaga ako!" 

"Sino ba yung kausap mo at gabing-gabi na?"

"Ahm a-ano,wrong number. A-ang kulit nga eh pinipilit nya na may Shirley daw ba ditong nakatira...Nauhaw ako kaya bumaba ako .Eh pakuha na sana ako ng tubig biglang may tumawag...." palusot ni Kim. " Ikaw, ba't gising ka pa?"

"Naalimpungatan ako . Tapos wala ka sa tabi ko kaya akala ko kung ano na ang nangyari" Umakbay ito kay Kim. Nahalata nito ang bahagyang panginginig ng misis. "Giniginaw ka ba?"

Napangiti nman si Kim sa kabila ng mga narinig na simpleng pag-iimbestiga ng asawa. Nawala ang tensyon na kanina pa halos kumain sa kanya ng buo ng mahuli sya nito sa phone. Nakakagaan ng dibdib na malamang , hinahanap na sya ng mister. Improvement na matatawag . Level up kumbaga!

"H-hindi. Nagulat mo lang talaga ako kanina.Ikaw kase eh! Lika na , akyat na tayo."

"Are you sure, you're okay?" hindi kumbinsido si Xian. Alam nyang something is off. "Akala ko ba kukuha ka ng tubig?" paalala nya kay Kim.

"Ay , oo nga pala . Nakalimutan ko." mabilis na tumalikod ang babae at kumuha ng tubig habang sunod lang  ang tingin ni Xian dito. 

Alam nya at ramdam nya na may inililihim sa kanya si Kim. At yun ang gusto nyang malaman kung ano ang dahilan ng mga nangyayari dito lately.

                      Mula ng gabing yun, sinumulan ni Xian na obserbahan ang asawa. Dalawang beses na nya itong nahuhuling di nagsasabi sa kanya ng totoong pinuntahan nito.

Nasa Manila na ulit sila nakadestino para sa unti-unti daw na pagtre-train sa kanilang mag-asawa na pamahalaan ang negosyo bukod pa sa bagong regalong bahay sa kanila ng Papa ni Kim. Kahit ayaw man nya at nasaktan na naman ang pride nya , tiniis nya. Mabait ang byenan nya para tanggihan ang bigay nito lalo at nag-iisang anak lang si Kim.

"Nasa loob ba si Kim?" tanong nya sa secretary nito. Lunch time at balak nyang yayain ito para kumain sa labas.

"Ay, Sir Xian, kaaalis lang po ni Ma'am baka abutan nyo pa. May imi-meet po yatang client for lunch. Last minute yata wala kase sa sched nya yun." madaldal na abiso ng babae.

"Ganun ba, thank you ha." kunot ang noo ni Xian ng tumalikod saka nagmamadaling hinabol ang pasarang elevator papunta sa parking.

Bahagyang nagtago si Xian sa isang poste nang makitang tila may kausap sa phone ang misis sa loob ng kotse nito sa parking lot saka nito binuhay ang makina.

Nagmamadaling sumakay si Xian sa kotse at sinundan ang di pa nakakalayong sasakyan. Alam nyang mali ang maghinala at magduda lalo at asawa nya pa. Pero hindi lang talaga sya matatahimik hangga't di nya nalalaman ang pinagkakaganoon ni Kim .

Bahagyang nawala ang  kaba ng dibdib nya ng huminto ito . Bangko ang unang destinasyon ni Kim. Makalipas ang 15 minutes ay lumabas at sumakay ulit ito sa kotse. Para na nmang tinatambol sa lakas ng kabog ang dibdib nya ng nakarating ito sa hilera ng apartment sa mataong lugar sa Mandaluyong. Desente at medyo bago nman ang bahay.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Where stories live. Discover now