Chapter 56

132K 1.7K 183
                                    

~Chapter 56

**

Kevin's POV 

FLASHBACK..... 

Tahimik lang si Aira habang andito kami sa eroplano pauwi ng Pinas.. Galing sa kasal nila Erika.

Pero nararamdaman 'kong masayang-masaya siya..

Na natupad yung hiling niyang si Bryan at Erika talaga ang mag-katuluyan..

"Ang saya siguro ni Erika habang si Bryan ang kasama niyang humarap sa altar. Balewala lahat ng dumating na problema sa kanila kasi, masaya na sila ngayon.." nakangiting sabi sa akin ni Aira.

Hindi ako umiimik. Pinapakinggan 'ko lang siya mag-kwento.

"Makakasama na ni Bryan yung babaeng pinangarap niya sa buong buhay niya. Hindi 'ko talaga makakalimutan yung tuwa na nasa mukha nilang dalawa kanina." masayang-masaya si Aira habang nag ku-kwento siya.

Hinihintay 'ko pa yung mga sasabihin niya..

Napatingin ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.. "Aira?" 

Tumungo lang siya. "S-sorry.." 

"Sorry? Para saan?" 

"Sorry kasi.. Hindi na ako yung babaeng.. makakasama mo sa harap ng altar.. Yung makakasama mo habang--" 

Niyakap 'ko agad si Aira at pinatigil.

Hindi 'ko kayang pakinggan yung sinasabi niya. HINDI.

HINDI 'KO KAYA.

"Shhh. Hindi. Please, h-hindi 'ko kaya Aira.. Wag.." 

Bumitaw siya at tumingin sa mga mata 'ko.

"Y-yung ang totoo Kevin.. Hindi man ngayon, pero maaaring bukas o kahit kelan, mawala ako. Tanggap 'ko na.. K-kaya kailangan m-mo na ring tanggapin." tumulo na yung mga luha naming dalawa.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon