Chapter 12

351K 2.8K 295
                                    

~Chapter 12

A/N: 

Hi! Gusto 'ko lang ho sabihin na.. Na NAAAMOY 'KO NA ANG NALALAPIT NA BEDSCENE! Hihi. :D Yun lang. Enjoy! ^^

**


Erika's POV



"A-andito sa.. Sa bahay ng barkada 'ko.. M-may ginagawa lang kami.."



Andito ako ngayon sa Park. Hindi 'ko pa rin maiwasang isipin kung bakit.. Kung bakit niya kailangang...

Ang hirap sabihin..

Kung bakit niya kailangang mag-sinungaling sa akin..

After all, naging mapag-mahal, maalaga at mabuting girlfriend naman ako sa kaniya. Tumagal kami ng isang taon kasi, mahal namin ang isa't isa. 

May tiwala ako sa kaniya. Pero.. Dapat na ba akong maniwala kay Bryan na..

Na lolokohin lang ako ni Kevin? :(

"Hindi pa ba napapagod si Kevin?" 

Lumingon ako.

Si Phil.

Tiningnan 'ko siya ng may halong pagtataka. Umupo naman siya sa tabi 'ko. 

"Anong.. Anong ibig mong sabihin? Kanina ka pa ba dito?" tanong 'ko sa kaniya.

Tumingin lang siya ng diretso. Hindi niya ako tinitingnan.

"Oo. 30 minutes na ako sa likod mo. Tila nalulunod ka na sa lalim ng iniisip mo eh. Baka mapagod siya niyan kakatakbo sa isip mo?" sarcastic niyang sabi sa akin.

Inalis 'ko na din ang tingin 'ko sa kaniya.. Hindi ako umiimik.

Mayamaya pa, naramdaman 'kong nasa balikat 'ko na ang braso ni Phil at itinuon niya ang ulo 'ko sa balikat niya.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon