Chapter 31

253K 1.6K 151
                                    

~Chapter 31

**

Erika's POV

"A-andito kami sa ospital.. Nabugbog si Bryan.."

Hindi 'ko malaman kung anong una 'kong gagawin sa narinig 'ko. Sanay naman na ako sa mga ganitong balita kay Bryan pero parang nakaka-panic. :/

"N-nasang ospital kayo?! Itext mo sa'kin. Papunta na ako." nagmamadali 'kong sabi.

Hindi 'ko na hinintay yung sagot ni Joshua, halos hinagis 'ko na nga lang ata yung cellphone 'ko eh.

Nag-madali na akong sumakay ng taxi.

Manong, pwede bang lumipad na tayo? Lol. :3

Kung may turtle net na mabagal ang Internet connection, kung may turtle update na tulad ni author na inaabot ng pasko ang pag u'ud, eto naman, turtle taxi! Daig pa yung kalesa! -_-

...

...

Sa wakas! Andito na din kami. "Eto po Manong. Salamat!" 68 pesos lang yung metro. Pero 100 na buo binigay 'ko. Nag-madali na akong lumabas ng taxi. Keep the change manong!

Tinakbo 'ko na halos papunta sa Emergency Room.

Asan sila?! Asan si Bryan?

Naabutan 'kong nag-hihintay sa labas si Joshua, Mike at Ervin. "Asan si Bryan? Ba't andito kayo? Okay lang ba siya? Anong nangyari?" marami 'kong tanong.

Tumayo si Mike at lumapit sa akin. "Relax Erika. Inaasikaso na siya sa loob."

"Umupo ka nga muna Erika. I'm sure, okay lang si Bryan. Mag-relax ka muna." sabi naman ni Ervin.

Wala na 'kong ibang nagawa kundi nga ang umupo at mag-hintay. Wala akong ibang gusto kundi ang makita na si Bryan. Gustong-gusto 'ko na siya makita. :(

1 minute..

2 minutes...

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon