Chapter 50

136K 1.5K 58
                                    

~Chapter 50

** 

Erika's POV 

Hindi 'ko alam kung anong reaksyon meron ako ngayon habang nakaharap sa salamin..

Suot ang wedding gown na 'to..  

OO.

Tuloy na tuloy na ang kasal namin.. At kasal na namin sa isang araw.. 

Dapat talaga, next week pa. Kaso bigla daw minadali ni Daddy. Nakakatawa, di po ba? Para lang akong makikipag-laro.. :|

Hindi 'ko pa rin matanggap na.. Ikakasal ako nang di 'ko kagustuhan.. Sa lalaking di 'ko naman mahal..

"Wag ka nang umiyak.. Erika.." napalingon ako kay Allen.. Tsaka 'ko na lang din napansin yung mga luha sa mata 'ko.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako..

"I'm sorry.. Wag ka nang umiyak, please.." mahahalata mo sa boses ni Allen na nasasaktan din siya. 

"Pwede naman akong magparaya eh, kaya 'ko naman. Kaso sila.. Sila ang.. Nag dedesisyon sa atin.." sabi niya pa sa akin.

Pinilit 'ko na lang ngumiti kahit hinding-hindi 'ko na talaga kaya..

"O-okay na 'to Allen, u-umuwi na t-tayo.." nauna na akong maglakad papuntang parking lot.

Tahimik lang kami parehas habang nasa biyahe.

Nararamdaman 'ko namang parang sasabog na ang utak 'ko sa mga naiisip 'ko, at ang puso 'ko sa sobrang sakit na nararamdaman 'ko ngayon.

Marami akong pangarap para sa amin ni Bryan.

Pero hanggang.. PANGARAP na lang talaga yun..

Hinawakan ni Allen ang kaliwang kamay 'ko.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon