Chapter 32

239K 1.6K 159
                                    

~Chapter 32

**

Bryan's POV

"Ate, saan pupunta si Erika?" tanong 'ko. Aba bakit naman biglang lumabas yun?

"Ewan 'ko. Ayaw sabihin eh. Ako daw muna mag-bantay sa'yo." ANO? Takte. Teka. Kinabahan ako bigla ah. T*ng*na. 

Hindi na ako umimik. Napaka pasaway talaga ng babaeng yun. :3

"By the way, nakita 'ko dito si Aira. Dinalaw ka pala." nagulat naman ako sinabi ni Ate. Si Aira? Pupunta dito? Inaway niya kaya si Erika?

"Ibig-sabihin hindi pa din alam ni Erika ang tungkol sa inyo noon ni Aira?" 

"O-oo.." matipid 'kong sagot.

Napailing na lang si Ate Bea. "Anong sabi nung babaeng yun sa'yo?" tanong 'ko.

"Sabi niya sa'kin, guguluhin niya daw tayo. Hindi siya titigil Bryan. Alam 'kong pag-subok sa inyo 'to ni Erika pero paano niyo malalampasan kung hindi mo pa sasabihin kay Erika? Imbes na ngayon pa lang, naiintindihan niya na, pinapatagal mo pa. Wag mong hintaying siya mismo ang makaalam o malaman niya pa sa iba." tama naman si Ate Bea eh. Natatakot lang talaga ako na baka iwan niya 'ko..

"Paano kung hindi maintindihan ni Erika?" 

"Mahal na mahal ka niya Bryan. Kaya maiintindihan at maiintindihan ka niya. Please Bry, ayokong makitang iiyak si Erika dahil dito. Hindi pa ba sapat na siya mismo ang nag-bayad sa kalokohang ginawa mo noon? Nangyari mismo sa kaniya ang ginawa mo kay Aira.seryosong-seryosong sabi ni Ate.

Hindi pa ba sapat na siya mismo ang nag-bayad sa kalokohang ginawa mo noon? Nangyari mismo sa kaniya ang ginawa mo kay Aira.

Hindi pa ba sapat na siya mismo ang nag-bayad sa kalokohang ginawa mo noon? Nangyari mismo sa kaniya ang ginawa mo kay Aira.

Hindi pa ba sapat na siya mismo ang nag-bayad sa kalokohang ginawa mo noon? Nangyari mismo sa kaniya ang ginawa mo kay Aira.

Paulit-ulit yan sa isip 'ko. Hindi 'ko ginustong mangyari yun kay Erika..

Tama.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon