Chapter 52

147K 1.7K 90
                                    

~Chapter 52

**

Erika's POV 

As usual, after ng kasal namin, dumiretso ang lahat sa reception. 

"Uy Ateng! Ang bongga naman ng wedding mo! Inggit much kami! Huhuhu!" sabi sa akin ni Von. Ang OA na si Von. :D

"Ikaw lang, gaga. Uy beh, congrats ha. Masayang-masaya kami para sa'yo." sabi sa akin ni Bernadette habang yakap ako.

Natawa naman ako. "Masaya nga ba?" tanong 'ko habang nakatingin kay Von.

"Hmp! Hindi! Hindi ako masaya, ako dapat ang bride!" pagtaringos sa akin ni Von. HAHAHA.

ETO NGA BA ANG SUSUNOD NA 3RD PARTY NAMIN? >:D

Ilang oras pa, ginanap na yung ilang seremonya dito sa reception.

Kanina pa ako tumitingin.. Asan ba siya. O.o

"Bakit mo 'ko hinahanap? Nagsisisi ka ba na dapat ako ang groom mo?" napalingon naman agad ako. 

"ALLEN!!" sigaw 'ko habang yakap siya.

Sa isang banda, hindi rin madali yung ginawa ni Allen.. Ginawa niya rin ang lahat para sa amin.

Ngumiti si Allen. "Now I can see the real Erika. I never saw you smile that way. You're very happy." masayang-masayang sabi ni Allen sa akin. 

Bigla namang dating ni Bryan at hinawakan ang kamay 'ko.. "Syempre pare, ako ba naman ang groom niya. Siya na yata ang pinaka maswerteng bride." SHET. ANG HANGIN NAMAN NG ASAWA 'KO. >//////<

Medyo hinampas 'ko sa braso si Bryan. "Ang yabang mo talaga." sabay irap. XD

Tumawa lang si Allen. "That's okay Erika. Kahit sinong lalaki man ang maging groom mo, magyayabang din ng ganiyan." 

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon