Chapter 39

199K 1.5K 155
                                    

~Chapter 39

**

KEVIN'S POV

Kanina pa ako nag-iintay kay Aira, pero alas-dose na ng madaling araw, wala pa din siya.

Hindi 'ko alam kung ano na namang nangyayari sa kaniya simula nung isang araw.

Usually, lagi yang masaya pag maganda ang nagiging resulta ng mga plano niya sa pag-sira kina Bryan at Erika.

Napalingon ako sa nag-bukas ng pinto.

Tumayo ako sa sofa. "Bakit ngayon ka lang?" 

Hindi niya ako tiningnan, sinagot at dire'diretso lang ng lakad.

Hinawakan 'ko siya sa braso. "Lasing ka na na--" 

Nag-pumiglas siya. Umupo, at umiyak.

Nagulat ako sa Aira na nakikita 'ko ngayon. Ngayon 'ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. 

"K-kasalanan 'ko ba k-kung..bakit a-ako nagkaganito?! K-kung bakit.. Kung bakit 'ko l-lahat n-nagagawa 't-'to?! K-kung bakit s-sobrang.. s-sama 'ko?!" ang lakas ng iyak at boses niya habang sinasabi niya sa'kin yan.

Hindi 'ko naman alam kung anong isasagot 'ko. Kitang-kita 'ko sa mga mata niya at sa kung paano siya mag-salita na nasasaktan talaga siya ngayon.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat 'ko. "T-tell me Kevin! M-mali ba na nagmahal ako?! Yun na nga eh! Nagmahal lang naman...a-ako! Pero p*t*ng*na! B-bakit...." napatigil siya at mas lalo nang umiyak.

Napapikit na lang ako ng madiin dahil nasasaktan akong nakikita siyang ganiyan ngayon. Inakap 'ko na lang siya ng mahigpit. 

"B-bakit ganito... B-baki..it.. Bakit.." paulit-ulit niyang sinasabi. "N-nagmahal lang a-ako.. Nagmahal..l-lang.." halos ibinulong niya na lang sa'kin yun. 

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon