Chapter 15

349K 2.5K 335
                                    

~Chapter 15

A/N:

This Chapter is dedicated to @AaliyahYoww :) Nag-message siya sa'kin telling that she really likes the story of B-S-B. So, ayun! Thankyou girl! Mwamwa. :* ^^

**

Bryan's POV



"Nako pre. Wala na 'kong pakielam dun. Tangina nga eh. Nabugbog pa 'ko nung nakahuli samin sa parking lot. Edi sana ako ang nakauna sa babaeng yun. Puta. Kung di lang dahil sa ganti at pustahan natin, hindi 'ko papatulan yun. Hah! Ginamit 'ko lang siya para sa isang pustahan."



Napatingin ako kina Joshua. Nakatungo sila at umiiling-iling. 

Hindi na ako nag-dalawang isip na tumayo. 

Sinugod 'ko agad si Kevin na nasa kabilang table. Hinatak 'ko siya at sinuntok.

"G@go ka pala eh!!! Tarantado!!! Anong tingin mo kay Erika, d*ldo?! Sex toy?! HA?!" panay ang suntok 'ko sa kaniya. Gumaganti naman siya ng suntok pero masyado akong agresibo para ilagan at banatan siya. "T@ngina mo!! Hayop ka!!!! Pustahan?! G@GO!!!!!" 

Wala akong pake kung mapatay 'ko 'tong lalaking 'to!!! Dapat lang yan sa kaniyang hayop siya!!!

"Pare, pare. Tama na.." awat sa'kin nina Joshua. Pero hindi nila 'ko makuhang hawakan dahil alam nilang pati sila mapapagbalingan 'ko.

Lahat ng tao dito, pinagkumpulan kami. Walang umaawat. Walang nangingielam. Nanonood lang sila samin. 

Panay ang suntok 'ko kay Kevin nang maramdaman 'kong may humawak sa aking dalawang bouncer. Kaya napatayo na ako.

"Tama na ho sir." sabi nung isang bouncer.

Hingal na hingal ako. "Alisin niyo yan sa harap 'ko!! Mapapatay 'ko yang demonyong yan!!" sabi 'ko habang nagpupumiglas sa hawak nung mga bouncer.

Inalalayan naman ng mga kaibigan niya si Kevin. "Tara na pre, tara na." sabi nila.

Inihagis ng alis ni Kevin ang pagkakahawak sa kaniya ng mga kaibigan niya at ngumisi.

"Hindi pa tayo tapos pre." tapos pinunasan niya yung dugo sa gilid ng labi niya.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon