Chapter 48

141K 1.3K 42
                                    

~Chapter 48

**

Aira's POV 

Kakapahinga 'ko lang mula sa Chemotherapy 'ko kanina. Nanghihina pa ako pero mas gusto 'kong may magawa ngayong araw. 

Ayokong mag-hintay ng oras o araw, gusto 'kong magawa lahat ng DAPAT 'kong gawin na noon 'ko pa dapat ginawa.

Bago ako pumunta kina Bryan, dadaan muna ako sa Chapel.

"I-iwan mo na lang muna a-ako dito.." sabi 'ko kay Kevin.

Naglalakd ako ng dahan-dahan malapit sa Altar at lumuhod..

"*sign of the cross* Lord.. Hindi 'ko ho alam kung anong masasabi niyo sa pag-lapit 'ko sa inyo ngayon. Dahil buong buhay 'ko, hindi ho..a-ako naniwala sa inyo.. Pero nagpapasalamat pa rin po ako na kahit binigay niyo sa'kin ang pag-subok na 'to, may kapalit na maganda. Nagbago po ako. Nagkaron ho ako ng takot sa inyo at paniniwala. Alam 'ko pong huli na ang lahat at hindi 'ko na mababago lahat ng nangyari. Pero sana naman po, samahan niyo ako sa mga gagawin 'ko. Gusto 'kong umalis dito nang maayos. Hayaan niyo ho akong humingi ng tawad sa mga taong sinaktan, niloko at pinahirapan 'ko.. Patawarin niyo rin po ako dahil nanalo sa akin yung mga bagay na hindi 'ko naman dapat ginawa.. Opo.. Tama po.. N-nasa huli po..t-talaga ang pagsisisi. At buong puso 'ko pong tinatanggap ang mga..consequences ng ginawa 'k-ko.. Patawarin niyo ho..a-ako.. S-sana rin po mapatawad nila ako.. S-sorry po.. Sorry po.. Patawarin niyo po ako.." tumulo na ang mga luha 'ko.

Naalala 'ko lahat ng mga ginawa 'ko noon. Nanalo ang inggit, poot, higanti.. 

Pero hindi pa rin lahat mananalo sa huli. Lamang pa rin ang TAMA sa MALI.

Nag sign of the cross na uli ako at lumabas ng Chapel..

"Okay ka na?" lumapit agad sa akin si Kevin at inalalayan akong mag-lakad.

Isa pa 'to. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit lahat ng tao ay inapi 'ko, talagang naglaan ang Panginoon ng taong hindi ako iiwan.. 

Si Kevin.. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabago 'ko.

Siya lang yung taong nagtiyagang umintindi sa akin. Sumunod sa akin nang dahil sa pag-ibig..

Tumingin ako sa kaniya at tumigil. "Oh bakit? May masakit ba sa'yo?" tanong agad niya.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon