Chapter 7 - Meeting the Idiot

6.1K 109 10
                                    

Kryshll’s POV

Naglalakad ako sa may school grounds kasi uwian na at papunta ako sa may Swimming Pool sa may likuran. Sana, wala si Chris doon. Speaking of Chris, ugh! Mga lalaki nga naman! Pare-pareho sila! Paiibigin ka tapos kapag nahulog ka kukunin nila ang pinakamahalagang bagay sa iyo. Pagkatapos nun, IIWAN ka nila at di na babalikan pa. Psh. Magsama-sama sila. Anong akala nila? Barbie doll ang mga babae na ganun lang kadaling gamitin, paglaruan at kapag nakahanap ng bago at mas maganda, iiwan nalang? Ano kami, basura?  Ugh!  Mamatay na sila!  

 

Sinipa ko ang bato sa harapan ko at innunat ang kamay ko. Napansin kong may gasgas yung kanang braso ko. 

Huh? Saan galing ito? Kelan ako nagasgasan? “ Sabi ko sa sarili ko.

Nagisip-isip ako ng mga nangyari ngayon araw. Una, hinatid ako ni kuya dito sa school. Tapos, papasok na sana ako pero nakita ko si Chris. Tinataguan ko siya kaya naisipan kong tumakbo. Tapos, nagbilang ako. Pagkabilang ko, tumakbo ako at… Oo nga pala! May nakabunggo ako kanina! Hindi ko nakilala ang mukha kasi hindi ko naman siya nilingon. Sino kaya yun? Aish! Tapos, pagpasok ko sa classroom, konting chitchat lang kayla Jam. Tapos, may dumaan na mga babaeng nagchichismisan.

 

Sino ba yung babaeng yun? Nabangga si Ethan my Love. ” Yun yung narinig ko sa mga babae. Boyfriend niya ba yung nabangga ko? Ethan, Ethan, Ethan, Ethan. 

Haaaaaa?! Ethan daw ba?! Hindi ba siya yung leader ng four-whore? Hindi, hindi. Imposible. Wala ngang girlfriend yun kasi cassanova yun tsaka, hindi lang naman siya ang nag-iisang Ethan sa school diba? ” Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Jam.

To: Jam :)

Jam, nag-iisa lang ba ang Ethan dito sa buong campus? Si Ethan Duane Torralba lang ba? Hindi naman diba? Maraming namang Ethan dito sa school diba? Reply ka, ASAP! “ 

Sent! Dali, reply ka na kaagad! Nagpa-panic ako dito!  After 1 minute. Ayun! Nagreply na siya!

From: Jam :)

Oo. As far as I can remember, siya lang ang nag-iisang Ethan dito sa school.  Bakit? Anong nangyayari sayo? Bakit mo tinatanong? May problema ka ba sa kanya? Diba sabi ko naman sayo na lumayo ka sa kanila. ” Yun ang reply niya sa akin. 

To: Jam :)

Crap! Siya yung nakabangga ko kaninang umaga! Hala, anong gagawin ko? Ang tanga tanga ko kasi eh. ” reply ko sa kanya.

  

From: Jam :)

  

Naku girl! Dalian mo at umalis ka na jan! Kilala ka na siguro nun. Madali lang niyang malalaman kung sino ka dahil marami siyang sources! Powerful yun dito sa school! Gagantihan ka nun! Bukas na bukas, kami na ang magsusundo sayo sa bahay niyo. Delikado ka na. ” Yun ang reply niya. OA ha! Ganun na ba ka delikado yung Ethan na yun? 

To: Jam :)

Sige. Salamat! Aalis na ako kaagad! Baka andito lang siya sa paligid. “ Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng may humarang sa aking dalawang lalaki.

 “ Uh, excuse me po. Uuwi na po kasi ako, pwede pong maki-daan? ” Yun nalang ang nasabi ko sa sobrang nerbiyos ko.  

Hahaha! Nakiki-usap ka ba Miss? Sorry ha. Sige, dumaan ka na. ” Sabi nung isang lalaki sa akin. Yes! Akala ko, yun na yung dalawa sa four-whore eh. Sabagay, di ko naman nakita si Chris doon.

Dadaan na sana ako ng may humarang ulit sa aking dalawang lalaki. Crap. Si Chris yung isa! Kaso, hindi siya makatingin sa akin.  

Miss, hindi kasi ako ang may kailangan sa iyo. Siya. ” Sabi nung lalaking nagpadaan sa akin sabay turo dun sa lalaking kasama ni Chris. 

Ah, ganun po ba? Pwede po bang next time nalang kasi nagmamadali talaga ako. May trabaho pa po ako mamaya eh. ” Sabi ko dun sa lalaking nasa harapan ko na ngayon. 

Hahahaha! Tatakasan mo nanaman ba ulit ako? Miss, may kasalanan ka sa akin pero hindi ka man lang lumingon noon at nagsorry ng deretso. Patatawarin na sana kita kaso tumakbo ka papalayo.

Ikaw po yung nabangga ko? Naku, sorry po talaga. Male-late na po kasi ako nun eh. ” palusot ko. Pero, nabangga? Ibig sabihin, siya si….. Ethan? What the... 

at 7:45? Late na? Ang akala ko ba, 8:00 ang time? Miss, wag ka nang magpalusot. ” Shit. Patay na. Nahuli na ako.  

Sorry pero kasi, may usapan kaming magkakaibigan. Kaya ayun po. Sorry po talaga ha. Pwede na po bang umalis? Busy po kasi ako eh. ” Tinignan ko si Chris na hindi parin nakatingin sa akin. Nagtatawanan pa yung dalawang lalaki sa likod ko. Aakto na akong aalis kaso hinawakan nung Ethan yung kamay ko. 

Ano sa tingin mo, makakalimutan ko yung ginawa mo? Magbabayad ka. ”  magbabayad? Diba mayaman naman ito? Bakit pa ako magbabayad? 

Bayad? Mayaman ka naman diba? Bakit kailangan ko pang magbayad? Pwede po bang tanggapin niyo nalang yung sorry ko? Sorry na po talaga. ” Sabi ko. Aalis na talaga ako dito, kakainis! 

Bobita ka pala eh. Alangan namang pagbayarin kita eh, kaya pa nga kitang bilhin. Lahat ng bagay dito sa universe, kaya kong bilhin! ” Sabi niya sa akin. Ang kapal ng mukha neto ah. Bobo daw ako? What the hell? 

Eh, ano ba kasi ang gusto mong mangyari? ” Nasabi ko nalang sa kanya. 

Eto oh. ” Tinanggal niya ang salamin ko. Napansin kong papalapit na siya sa akin at alam ko ang gagawin niya. Hahalikan niya ako. Naitulak ko siya bigla. 

 “ What the hell are you doing? ” He hissed.

 “ Ano sa tingin mo sa akin? Laruan mo? Hoy, alam kong kaya mong gawin ang lahat. Pero isa lang ang maipapangako ko sa iyo. Hinding hindi eepekto sa akin yang ginagawa mo. ” Sigaw ko.  Lumakad na ako palayo pero tumingin ulit ako sa kanila at sumigaw ulit. 

 “ At isa pa, kung sa tingin mong kaya mong bilhin lahat, nagkakamali ka! Sige nga, kung kaya mo talaga, bilhin mo ang araw, buwan, bituin at planeta. Isama mo na rin ang hangin. At kapag nangyari yun, tsaka palang ako maniniwala na kaya mo nga talaga! ” Kitang-kita ko sa mga mata niya na napahiya siya. Natalo ko ang pinagmamalaki nilang Ethan Duane Torralba. Hahaha. Lumabas nanaman kasi ang pagka-Gabriella Silang ko. 

Hindi pa tayo tapos! ” Rinig kong sabi niya tsaka na ako tumakbo papalayo. 

 Nagbihis lang ako saglit at pumunta na sa pagtratrabahuan ko. Gusto ko pa sanang pumasok sa trabaho ko pero magfa-file nalang ako ng resignation kasi alam kong kayla Chris yun at malamang, lagot ako. Pumasok ako sa office ng boss ko at kinausap siya. 

 

Sir, aalis na po ako. This is my resignation letter. Busy po kasi sa school kaya di na ako makakapagtrabaho pa dito. Thank you po sa time niyo. ” Dire-diretso kong sabi sa boss ko sabay abot ng resignation letter. 

Ok. I understand, iha. Salamat din sa maganda mong pagtratrabaho dito. Study hard.” At pagkatapos nun, lumabas na ako at umuwi sa bahay.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now