CHAPTER 6

1.5M 30.3K 5.9K
                                    

CHAPTER 6

MEDYO PAGOD PERO magaan ang pakiramdam ni Red habang pauwi sila ni Phoenix. Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. Nature always had the ability to make her smile and happy. Pakiramdam kasi niya malaya siya kapag nagha-hiking siya, nagti-trekking o kaya naman nakakakita siya ng magandang waterfalls.

Nature calmed her. Always.

"Napagod ka ba?" Tanong sa kaniya ni Phoenix nang makarating sila sa bahay nito.

Nakangiting umiling siya. "Hindi masyado. Sanay naman ako mag-trekking. Medyo nangangalay lang ang binti ko pero other than that I'm okay."

"Ganoon ba?" Inilagay nito ang palad sa hand scanner na nasa gilid ng pinto ng bahay, Tumunog 'yon tapos body scan naman ang sumunod. Bumukas kaagad ang pinto saka bumaling ito sa kaniya. "I hate trekking."

Tumaas ang kilay niya. "E bakit dinala mo ako sa Yellow Trail tapos sumama ka pa sakin?"

Phoenix shrugged. "Mukhang ang saya-saya mo kasi. And I think I'm addicted to your smile. So, yeah."

Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya maibuka ang bibig dahil hindi niya alam ang sasabihin. Darn this gorgeous man for saying such things.

"Pasok ka na," wika ni Phoenix ng hindi siya magsalita.

Tumango siya saka pumasok sa kabahayan. Alam niyang nasa likuran lang niya ang binata dahil nararamdaman niya ang presensiya nito.

"Ahm." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Sa kuwarto lang ako. Magpapahinga."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Phoenix. Kaagad siyang umakyat sa second floor patungo sa kuwarto niya. Pagkatapos ay naligo kaagad siya. Nang makalabas sa banyo, nakadamit na siya ng sleeveless saka maikling short.

Pinulot niya ang cellphone at tinawagan ulit si Titus. Pero tulad kanina, hindi pa rin niya ma-contact ang binata.

Bumuga siya ng marahas na hininga saka pabagsak na nahiga sa kama. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa kisame ng may kumatok sa pinto at bumukas 'yon.

Bumangon siya saka tumingin sa pumasok. "May kailangan ka?" Medyo may kabang tanong niya kay Phoenix.

"Mahiga ka lang," wika ng binata saka umupo sa gilid ng kama at may pinalibot na maligamgam na tuwalya sa magkabila niyang paa. "You might be feeling sore after that walk. Makakatulong 'yan."

Napatitig siya kay Phoenix na seryuso ang mukha habang minamasahe ang binti niya. He looked seriously worried for her. Her heart, unconsciously, softened at that.

Why was he being like this?

Mas madali itong iwasan kung hindi maganda ang pakikitungo nito sa kaniya.

"Salamat, pero okay lang naman ako," wika niya kahit gumuginhawa ang pakiramdam ng nangangalay niyang binti dahil sa pagmamasahe nito.

"Sinasabi mo lang 'yon para hindi ako lumapit sayo," sagot nito saka tumitig sa kaniya. "Let me take care of you, kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo akong alagaan ka tulad ng pag-aalaga sayo ni Titus."

Parang may humaplos sa puso niya habang nakatingin sa binata. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at hayaan nalang ito sa gustong gawin. Mukha kasing masarap magpaalaga kay Phoenix.

"Sige, ikaw ang bahala," sabi niya.

Bumalik siya sa pagkakahiga sa kama saka pinikit ang mga mata.

Masarap sa pakiramdam ang kamay ni Phoenix na masuyong minamasahe ang binti niya na medyo nangangalay dahil sa paglalakad ng dalawang oras. Hanggang sa umakyat ang kamay nito sa may tuhod niya patungong hita.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon