PROLOGUE

2.7M 44.4K 13.9K
                                    

PROLOGUE

KINAKABAHANG sinagot ni Red ang tawag ng kaniyang ama. Kanina pa ito tumatawag pero ayaw lang niyang sagutin. Natatakot siyang marinig ang sasabihin nito. No, it was more like, ayaw niyang marinig ang sasabihin nito dahil alam na niya kung ano 'yon. Alam na niya ang sasabihin nito.

"Kali̱spéra, patéras," pagbati niya ng magandang gabi sa ama na nasa kabilang linya, saka kinagat ang pang-ibabang labi.

"I'll be expecting you here in Greece this week." May matigas na accent ang pagsasalita ng English ng ama niya. "You already graduated, Red. Our deal is done."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka napahawak sa railing ng balkonahe ng inuukupa niyang condo sa Pilipinas. "But, patéras, I still have one month. And I want to enjoy it here, in the Philippines--"

"I thought you are in California?!" Tumaas ang boses ng ama niya na ikina-igtad niya. "What are you doing in that country, Rhoana Elyzabeth Dadaria?! Go home, now! No buts!"

"I'm just here for vacation, patéras--"

"Home. Now. Or I will drag you home myself!"

Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Red ng patayan siya ng tawag ng ama. Marahas siyang umiling.

Hindi...Hindi!

May isang buwan pa siya bago bumalik sa kulungang bahay nila sa Greece. May isang buwan pa siya dapat para maging malaya, para makatakas sa responsabilidad na pilit na inaatang ng ama sa balikat niya.

Gusto niyang sumigaw sa sobrang frustrasyong nararamdaman. She was already twenty-two, and yet her father was still controlling every decision in her life. Ni walang magawa ang magandang tanawin mula sa balkonahe ng condo niya para mawala ang inis na nararamdaman.

Galit niyang itinapon ang cellphone sa kama saka nagmamadaling magbihis at umalis sa condo niya. Kailangan niya ng makakausap, kailangan niya ng mapagbabalingan ng atensiyon para hindi niya maisip ang pinagusapan nila ng ama niya.

Natagpuan niya ang sarili sa labas ng condo ng pinsan niya. Pareho lang sila ng condominium building kaya naman malakas ang loob niyang magbakasyon dito sa Pilipinas kasi narito naman ito at nagbabakasyon din. At wala siyang ibang matatakbuhan para maglabas ng sama ng loob kundi ito.

Umangat ang kamay niya para pindotin ang doorbell. Ilang segundo lang ang binilang niya bago bumukas ang pinto ng condo at sumalubong sa kaniya ang pinsan.

"Kuya Dark..."

Kumunot ang nuo nito ng mapagmasdan ang malungkot niyang mukha. "What happened, Red?"

"Si daddy..." Nagtagis ang bagang niya. "Pinapauwi na ako."

"Oh. Akala ko ba may isang buwan ka pa?" Her kuya Dark let out a sigh and hugged her. "Anong balak mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Kailangan ko na talagang umuwi. If you only heard dad when he called me. He was livid, kuya."

Hinagod nito ang likod niya. "Ang tigas naman kasi ng ulo mo, e." Napabuntong-hininga ito. "May lakad ako ngayon kaya hindi kita masasamahan. Why not come with me instead? Sumama ka nalang sakin para mawala sa isip mo si theíos."

Theíos meanr uncle in Greek.

Huminga siya ng malalim habang ginigiya siya patungo sa elevator ng pinsan. "Saan ka ba pupunta, kuya?" Tanong niya.

"Sa Club X," sagot nito ng makasakay sila sa elevator. "You'll like it there. Just don't drink too much. You're still young."

Sinimangutan niya ito. "I'm already twenty-two, kuya, and you're twenty six. Hindi na ako bata. Puwede na akong uminom."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now