EPILOGUE

1.9M 43.9K 11K
                                    

This Chapter is dedicated to Ate Red Montero. Isa sa mga una kong nakilala dito sa wattpad at Facebook at isa sa mga unang naniwala sa kakayahan kong magsulat. Gusto kong magpasalamat dahil hinayaan mo akong gamitin ang pangalan mo. Thank you so, so, so much! Maraming-maraming salamat sa suporta, sa pagbabasa at sa lahat-lahat. Hindi ko makakalimutan ang mga nagawa mo para sakin ate Red, naalala ko noon, binibigyan mo pa ako ng load para lang makapag-update sa stories ko dito sa wattpad at sobra-sobrang na appreciate ko 'yon. Sana you're doing fine now. Sana we could talk soon like before. At sana maging masaya ka sa araw-araw na ginawa ng diyos. Godbless you ate Red. Always be happy and stay pretty.

EPILOGUE

"BABY, ANO bang ginagawa mo sa buhok mo?" Nagtatakang tanong ni Red sa limang taong gulang niyang anak na lalaki na kanina pa parang pinupusod ang medyo kulot na buhok. "Kanina ka pa diyan. Itigil mo na 'yan."

Nakasimangot na humarap sa kaniya si Pharaoh, hawak-hawak pa rin ang buhok nito. "But Mommy, I want a cool hair like dada."

Hindi napigilan ni Red ang matawa sa gusto ng anak. "Pharaoh, 'yang si dada mo, ilang oras ang ginugugol niyan sa salamin para ma-perfect lang ang buhok na 'yon."

Mahaba ang ngusong umalis sa sofa na kinauupuan si Pharaoh saka naglakad ito patungo sa salamin at humarap doon, pagkatapos ay inayos na naman ang buhok nito.

Mahinang natawa si Red saka napailing-iling. Pharaoh had always admired Phoenix. Daddy's boy talaga ito kahit nuong baby pa ito. Naalala niya, si Phoenix lang ang nakakapagpatahan dito sa tuwing umiiyak ito noon.

"Mommy?"

"Yes, baby?"

Inaayos pa rin nito ang buhok. "Kapag one hour na po ako rito sa salamin, will I have a hair like dada na?"

Pigil ni Red ang pagtawanan ang anak. "Baby, paturo ka nalang niyan kay dada."

Mas lalo itong napasimangot. "But I want it now, mommy."

"Pharaoh," may diin ang boses niya na mas lalong nagpahaba sa nguso ng anak niya.

"I want to be cool like dada." Hindi maipinta ang mukha nito ng bitawan ang buhok saka humarap sa kaniya. "Nakakapagod pala mag-ayos ng buhok, mommy. Can you do it for me?"

Napangiti siya at akmang papalapitin sa kaniya ang anak ng nakita niyang pumasok ang asawa sa loob ng bahay. Kaagad nitong hinubad ang leather jacket na suot saka isinabit ang susi sa key rack sa likod ng pinto at walang ingay itong naglakad palapit kay Pharaoh para gulatin ang anak.

Masyadong nagko-concentrate ang anak niya sa buhok nito kaya siguro hindi napansin na bumukas at sumara ang pinto.

Napailing nalang si Red habang nakamasid lang kay Phoenix na walang ingay na naglalakad palapit sa anak nila. Six years later, Phoenix was still one of the most dangerous men she had ever met. Pero bago pa makalapit si Phoenix sa anak nila, humarap si Pharaoh dito saka ito ang ginulat.

"Boo, dada!" Sigaw nito.

Sa halip na magulat, mahinang natawa si Phoenix saka kinarga si Pharaoh.

"That's my boy!" Puno ng pagmamalaking sabi ni Phoenix hanang gunugulo ang buhok ng anak. "Naramdaman mo bang lumapit si Dada sayo?"

"Opo," masayang sagot ng anak niya saka yumakap ito sa leeg ni Phoenix na parang naglalambing. "I felt your presence, dada. Diba tinuruan mo ako kung paano makiramdam sa paligid?"

"That's my boy," nagmamalaking sabi ni Phoenix na mukhang tuwang-tuwa pa na ito ang ginulat ng dapat ay gugulatin nito.

Si Red naman ay natatawa habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi na siya magugulat kung paglaki ni Pharaoh, sumunod ito sa yapak ng ama na maging Navy SEAL din. Ngayong bata pa nga lang, nagpapaturo na ng hand to hand combat sa ama, e, ano pa kaya pag laki.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now