CHAPTER 2

1.6M 31.4K 13.7K
                                    

CHAPTER 2

PINALIBOT ni Red ang mga mata sa kabuonan ng malaking Grand Center Hall kung saan ginaganap ang Masquerade Ball na ini-organize ni Mr. Shun Kim.

Hindi nga niya alam kung bakit inimbitahan siya nito. Wala naman siyang perang maibibigay para sa mga batang lansangan. She had been stripped off of wealth by his father. Kaya hangga't hindi siya bumabalik sa Greece para tanggapin ang responsabilidad na pilit inaatang nito sa balikat niya, wala siyang pera.

Good thing she had Titus to support her.

"Enjoying the party, xáderfos?"

Nakangiting binalingan niya ang pinsan saka itinaas niya ang champagne glass na hawak. "Sinusubukan kong mag-enjoy, kuya."

"Bummer." Sumimsim ang pinsan niya ng alak sa hawak na baso saka napabuntong-hininga. "Maya-maya, aalis na tayo. Ihahatid kita sa pad mo. Kailangan kong umuwi ng maaga, e, baka ma-miss ako kaagad ng buntis kong asawa."

Red rolled her eyes. "Kuya, hindi na ako bata. Umuwi ka na kasi kailangan ka do'n ni Anniza. It's your eldest she's carrying. Kaya ko namang umuwing mag-isa. Saka kasama ko naman si Titus."

"But I promise, theíos. At alam mo namang ayaw ni theíos kay Mr. Morgan. Kaya kung ako sayo, hiwalayan mo na siya."

Umirap siya sa hangin. "I'm already twenty-seven years old, kuya. Kaya ko na ang sarili ko." Matamis siyang ngumiti para hindi nito makita ang iritasyon sa mukha niya. "At wala nang pakialam si patéras sa mga disesyon ko sa buhay lalong-lalo na ang tungkol kay Titus. Patéras and I have a deal. As long as we have that deal, I'm free from him, kuya. And you know very well why I'm with Titus."

Dark let out a sigh. "Red, alam mo naman siguro kung gaano kapanganib ang buhay ni Titus. Alam mo kung sino talaga siya sa likod ng pagpapanggap niya. You knew him too well. Yet, you're helping him. For what? For your fucking freedom?" Hindi ito makapaniwalang napailing. "You will really risk your life for your freedom? 'Yon ba ang gusto mo? Sa tingin mo ma-i-enjoy mo pa yong hinahangad mong kalayaan kung patay ka na?"

Red rolled her eyes in irritation. "Hindi ako hahayaang mapahamak ni Titus, kuya Dark."

Napailing ang kausap. "You really trust him that much?"

Tumango siya ng walang pag-aalinlangan. "Yes, I do. He's my fiancé after all."

Malakas na napabuntong-hininga si Dark. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong utak mayroon ka at gusto mong magpakasal kay Titus Morgan. Alam mong mapanganib siya."

Nginitian lang niya ang pinsan niya saka sumimsim ng champagne. "Titus is my freedom, kuya. Without him, I'll be in a cage again. Besides, I do love him."

Dark clicked his tongue. "Tulad ng sinabi mo, matanda ka na. Alam mo na ang tama sa mali, Red. And when the time comes that your life becomes in danger because of Titus, imagine me saying, 'I told you so'."

Napailing-iling nalang si Red ng naglakad palayo sa kaniya ang pinsan niya. Alam naman niyang nag-aalala lang ito sa kaniya pero wala naman itong dapat na ikabahala. She was safe as long as she was with Titus.

She trusted him with her life.

"Hey, honey, enjoying the party?" Anang pamilyar na boses ni Titus saka niyakap siya sa beywang at hinalikan sa pisngi.

Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ng binata saka naglalambing na humilig sa dibdib nito. "Boring. But, oh well, nandito nalang din naman tayo. Might as well enjoy."

Mahinang natawa si Titus saka hinaplos ang nakalugay lang niyang buhok. "May sasabihin ako sayo mamaya pagkatapos ng party. May pag-uusapan tayo."

Tiningala niya ang binata, nakakunot ang nuo niya. "Ano yon? Bakit hindi nalang ngayon?"

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezDove le storie prendono vita. Scoprilo ora