CHAPTER 10

1.5M 29.7K 6.5K
                                    

CHAPTER 10

ILANG SEGUNDONG nakatitig si Red kay Phoenix bago mahinang natawa. "I think I'm overdressed." Bumaba ang tingin niya sa sariling damit saka natawa ulit. "Yep, I am." Ibinalik niya ang tingin sa binata na nakatayo sa harapan niya. "Bakit kasi ganiyan ang suot mo?"

Bumaba naman ang tingin ni Phoenix sa suot nitong ragged jeans at simpleng black t-shirt. Of course his red hair was in top knot again. "Ahm...you want me to wear a suit?"

Natatawang umiling siya. "Nah. Ako nalang ang magbibihis."

"No, you're not changing." Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. May atraksiyon siyang nababasa sa mga mata nito. "Mas gusto ko ang suot mo. You look pretty in that red halter dress."

Umikot siya para mas makita nito ang kabuonan ng damit niya saka nginitian ito. "Let's go?"

Inabot nito ang kamay niya saka pinagsiklop iyon sa kamay nito, saka masuyo siyang iginiya pababa sa hagdan at palabas ng bahay nito.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Red ng makalabas sa bahay ni Phoenix. Madilim na ang kapaligiran, tanging ang ilaw nalang ng bahay ni Phoenix at street light ang nagsisilbing ilaw sa paligid. She was expecting someone to grab her and take her away, but no one came. Mukhang napansin ng binata ang takot sa mukha niya.

"Hey..." Pinisil nito ang kamay niya. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, okay?"

Huminga siya ng malalim saka bigla iyong pinakawalan at nginitian ang binata. "Okay. I trust you."

Sa unang pagkakataon sa buhay niya, magtitiwala siya sa iba maliban kay Titus. Her brain was telling her not to trust Phoenix, but her heart...it's trusting Pheonix. At umaasa siyang sana hindi mali ang desisyon niyang pagkatiwalaan ito.

"Hindi tayo magko-kotse?" Tanong niya kay Phoenix ng lumabas sila ng gate sa halip na magtungo muna sa garahe.

"Nope." Binitiwan nito ang kamay niya saka ipinalibot ang braso nito sa beywang niya. "Malapit lang naman ang pupuntahan natin."

Mas lalong nagtaka si Red ng makarating sila ni Phoenix sa likod ng bahay nito kung saan may masukal na kagubatan. Hindi na nakapagtataka ang kagubatang 'yon kasi medyo may kalayuan sa syudad ang bahay ni Phoenix. Pero ang pinagtataka niya, bakit sila naroon?

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya kay Phoenix.

"Trekking."

Napamulagat siya. "Nagbibiro ka ba?" Bumaba ang tingin niya sa high heels na suot. "Way to ruin my heels."

Humarap sa kaniya si Phoenix at bigla nalang siyang pinangko ng walang pasabi. Malakas siyang napasinghap at napayakap sa leeg ng binata.

Tiningnan niya ito ng masama. "Phoenix! Ibaba mo nga ako!"

Inayos nito ang pagpangko sa kaniya saka umiling. "Nope. I'm carrying you. Ayokong marumihan o maputikan ang suot mong high heels. You're too pretty to get dirty. Those dirt don't deserve to be clinging on your high heels."

"But Phoenix--"

"Let me pamper you, baby." He looked at her softly. "Just for tonight."

Parang tumalon ang puso niya sa kilig na naramdaman. "Phoenix naman, e. Baka masanay ako niyan."

"E, di masanay ka." Kinindatan siya nito. "Let me take care of you, baby."

Parang sasabog ang dibdib niya sa bilis ng tibok niyon. Tanging "okay" lang ang naisagot niya.

Walang imik si Red habang naglalakad si Phoenix sa makipot na daan sa loob ng gubat na 'yon at buhat-buhat siya. At medyo nagulat siya dahil may ilaw ang dinadaanan nila. Mukhang may nagpalagay ng ilaw sa mga puno na malapit sa daan para hindi madilim ang dinadanan nila.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon