CHAPTER 8

1.5M 29.7K 8.2K
                                    

CHAPTER 8

GALIT NA TINAPON ni Red ang cellphone ng hindi niya ma-contact si Titus. Out of coverage area pa rin ang fiance. Halos ilang araw na niya itong tinatawagan pero wala pa rin. Gusto na niyang umalis sa bahay ni Phoenix hanggat hindi pa malalim ang involvement ng binata sa kaniya.

Hanggat maaga, kailangan na niyang makaalis. Pero hindi siya puwedeng umalis hanggang wala pa si Titus. Ayaw naman niyang magtago sa mga kaibigan niya baka madamay ang mga ito.

She hated hiding. That was why she needed Titus with her. Kasi kapag kasama niya ang binata, walang gumagalaw sa kanya.

Inis na lumabas siya ng kuwarto saka bumaba sa sala. Gusto niyang malibang kaya napagdiskitahan niyang magluto. At dahil puro sea food ang nakita niyang laman ng red, chili crab, sinigang na hipon at calamares ang niluto niya.

Mabuti naman at wala nang fingerprint identification ang red.

Maghahain na sana siya sa hapagkainan ng may yumakap sa beywang niya mula sa likod niya. She knew in an instant that it was Phoenix. Ni hindi man lang niya narinig ang yabag nito.

Nasabi sa kaniya noon si Titus na kapag naglakad ang isang tao at walang naririnig na yabag, yon 'yong mga taong dapat katakutan. Isa ba do'n si Phoenix? Dapat ba niya itong katakutan?

"Smells good," bulong nito sa tainga niya saka hinalikan nito ang batok niya. "What are you cooking?"

Humugot siya ng malalim na hininga para labanan ang nararamdaman niya para sa binatang nakayakap sa beywang niya. "Tapos na akong magluto." Binaklas niya ang braso nito na nakayakap sa beywang niya saka humakbang siya palayo rito. "And distance, please. Pinag-usapan na natin 'to. At diba galit ka?"

Nagkibit-balikat ito saka pinagkrus ang matitipunong braso sa harap ng dibdib nito. "Madali lang naman mawala ang galit ko. I don't hold my anger. I let go of it as fast as I could."

Pasimple siyang umatras habang nakataas ang kilay. "You let go of your anger as fast as you could? Bakit?"

"Anger consumes people." Humakbang ito palapit sa kaniya. "Anger can twist an innocent mind into darkness." Humakbang ulit ito palapit sa kaniya. "Maraming nagagawa ang galit sa mga tao at lahat nang 'yon negatibo. Kaya hanggat makakaya ko, hindi ko hinahayaan lamunin ako ng galit. Kasi kapag ako ang nagalit, pinagsisisihan ko palagi ang nagagawa ko kapag kalmado na ako."

Napatitig siya sa binata. Nagalit na ba ito noon at may ginawa itong pinagsisihan nito? "May nangyari ba sayo na nagalit ka na ng husto?"

Sa halip na sagutin siya, tumiim ang tingin nito sa kaniya. "Baby, isang hakbang pa palayo sakin, makikita mo kung paano ako magalit."

Natigilan siya at napakagat labi. Napansin pala nitong umaatras siya palayo rito.

Huminga siya ng malalim saka maingat na iyong pinakawalan. "Nagsaing na ako. May ulam na. Kumain ka nalang."

Tinalikuran niya ito.

"Hindi mo ba ako ipaghahain?" Tanong nito na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad. "I think I just saved your pretty little ass from those men. You owe me, baby."

Nagtatagis ang bagang na humarap siya kay Phoenix. "Ano ba talaga ang gusto mo sakin?"

"Ikaw ang gusto ko," diretsahang sagot ni Phoenix sa kaniya. "Kaya mo bang ibigay sakin 'yon?"

Napapagod na napabuntong-hinga siya saka sinalubong ang tingin ni Phoenix. "Hindi ko 'yon kayang ibigay at alam mo 'yon. I'm Titus' fiance and nothing will change that."

"We had sex, Red," he said as a matter of fact.

"I know." Tumatango-tangong siya. "At hindi ko yon makakalimutan. Pero hindi na dapat maulit 'yon. Ayokong lokohin pa si Titus. He doesn't deserve that."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now