CHAPTER 22

1.2M 27.8K 4.3K
                                    

CHAPTER 22

HINDI PA RIN makagalaw si Red habang nakatingin kay Phoenix. Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ang binata na inaasam niyang makita.

"Phoenix," mahina niyang sambit sa pangalan nito.

Walang ingay itong naglakad palapit sa kaniya at ibinalik sa pagkakatabing ng kurtina sa balkonahe saka masuyong hinaplos ang pisngi niya habang pinapakatitigan siya.

"Phoenix..." Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ang binata. "A-anong ginagawa mo rito?"

Pinagdikit nito ang nuo nila saka hinalikan ang tungki ng ilong niya, kapagkuwan ay lumapat ang labi nito sa mga labi niya. Kaagad siyang pumikit at tinugon ng mapusok ang halik nito. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ng binata. Mahigpit na napahawak sa buhok nito saka mas lalo itong hinapit palapit sa kaniya.

"I miss you," mahinang sambit ni Phoenix habang naghahalikan sila.

"I miss you, too." Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng binata saka pinaghiwalay ang mga labi nila at puno ng pag-aalalang tinitigan ito. "Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong niya. "Alam mo ba kung gaano kapanganib ang bahay na 'to?"

"Alam ko. Nakita ko 'yong mga bantay sa labas." Hinaplos nito ang pisngi niya saka hinalikan siya sa nuo. "Pero hindi ba sinabi ko naman sayo. Kung nasaan ka, nandoon ako?"

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata saka napatingin siya sa buhok nitong nakahawak pa rin siya.

Kumunot ang nuo niya. "Anong nangyari sa buhok mo?" Ginulo niya ang buhok nito. "Bakit kulay brown na?"

Phoenix ruffled his brown hair. "I bleached it. I figure that if I wanted to be inconspicuous, I have to changed back my hair color. I don't want to stick up like a sore thumb."

Naiiling na napatingin siya kay Phoenix. "Nababaliw ka na talaga, Phoenix."

"Oo, baliw na baliw na ako sayo," sabi nito saka pinupog ng halik ang mga labi niya. Hinawakan siya sa kamay at hinila palapit sa pinto ng kuwarto niya. "Halika..."

Nilukob siya ng kaba. "Phoenix!" Pabulong na pasigaw niyang sabi saka pilit na hinihila nito palayo sa pinto. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

Hinila siya ni Phoenix palapit sa pinto saka isinandal siya doon at inilapit nito ang katawan sa katawan niya. Nakagat ni Red ang ibabang labi ng maramdaman ang epekto sa kaniya ng pagkakalapit nila ng katawan ng binata.

God... Her body felt so hot.

"Phoenix, " mahina niyang bulong habang lumalalim ang paghinga niya.

He kissed her earlobe, and whispered, "go tell your guards not to disturb you for the next couple of hours."

Mabilis na nagsalubong ang kilay niya at bumaling sa binata. Dahil napakalapit ng mukha nito sa mukha niya, halos magdikit ang mga labi nilang dalawa.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" Nagugulang tanong niya sa binata.

Hinalikan ni Phoenix ang tainga niya pababa sa leeg niya bago pabulong na sumagot. "May pupuntahan tayo kaya gawin mo nalang ang gusto ko--"

"Ano?" Pabulong niyang sigaw. "Saan tayo pupunta? Hindi puwede. Baka mapahamak ka. At teka nga muna, paano ka ba nakapasok dito sa dami ng bantay? Sino ka ba talaga, Phoenix, ha--"

"Tell your guards," mariing wika ni Phoenix saka tumingin ng matiim sa kaniya habang ang mga kamay ay nakadiin sa magkabilang panig ng balikat niya. "You're a princess, baby, act like one."

Magkasalubong ang kilay na umiling siya. "No. Ayoko. Baka mapahamak ka--"

"Please?" He begged.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon