CHAPTER 14

1.4M 28.9K 9.8K
                                    

CHAPTER 14

HINDI MAPAKALI si Red sa kinauupuan habang nanananghalian sila ni Titus kasama ang pinsan niyang si Dark, ang asawa nitong si Anniza, saka si Phoenix na wala ring imik habang kumakain. It was a very heart thumping and frightening dinner. Ever.

"How's your family, Morgan?" Ang kuya Dark niya ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa buong hapag-kainan.

Uminom muna ng tubig si Titus bago sumagot. "Patri is doing fine in his old age. So is matri."

"And your brother?"

Tumiim ang bagang ni Titus sa huling tanong ng kuya Dark niya. "He'll be dead soon."

Napatigil sa pagsubo si Anniza at si Phoenix sa tinuran ni Titus.

Mahina namang tumawa si Dark. "Of course, he's kidding," ani ng pinsan niya para mapanatag ang dalawang natigilan.

"No, I'm not," ani Titus sa seryusong boses at mukha. "He'll be dead soon."

Humugot siya ng malalim na hininga saka iniba ang usapan. "Who wants some punch?"

Nag-angat ng kamay si Anniza, medyo may pag-aalangan ang ngiti nito sa mga labi habang pasulyap-sulyap kay Titus. "Ahm, puwede juice lang sa'kin? Or, maybe water?"

"Juice it is." Tumayo siya saka kinuha ang juice sa island counter at inilapag iyon sa mesa, malapit kay Anniza. "Here you go."

Nginitian siya ni Anniza saka nagsalin ito ng juice sa baso, samantalang si Dark naman ay nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Titus.

"Kailan ka babalik sa Sicily?" Tanong ulit ni Dark. "It's been three years."

Sumulyap muna sa kaniya si Titus bago sumagot. "Maybe after our wedding. A month from now."

Napatango-tango si Dark saka bumaling sa kaniya. "Kailan mo naman balak bumalik sa Greece, couz?"

Mabilis siyang umiling. "Ayoko nang bumalik do'n. Hanggat buhay si Alicia, hindi ako aapak sa lugar na 'yon." Si Alicia ang madrasta niya.

Dark clicked his tongue. "Naiinis din ako kay Theíos. Kung humingi nalang sana siya ng tulong kay Mommy, e di sana wala ka sa gulong 'to."

Huminga siya ng malalim. "He owes the Ivanov's trillions of dollars." Napailing siya. "Alam kong may pera kayo pero kung kayo ang magbabayad sa utang niya, kayo ang maghihirap dahil sa pagkakamali niya."

"Kaya ayos lang na ikaw ang maghirap sa mga pagkakamali niya?" Humigpit ang hawak ni Dark sa kutsara at tinedor. "That's Bullshit, Red, and you fucking know that!"

"Dark!" Anniza hissed at her cousin. "Nasa hapagkainan tayo! Watch your language!"

Kaagad namang lumambot ang mukha ng kuya Dark niya saka bumaling sa asawa nito. "I'm sorry, agápi mou. Nadala lang ako sa galit ko."

Napailing si Anniza saka hinaplos ang pisngi ng pinsan niya. "Just watch it, okay? Kumakain tayo."

"Yes, agápi mou. I love you."

Anniza's eyes softened. "I love you, too."

Nag-iwas siya ng tingin sa dalawa dahil may inggit siyang naramdaman. Her cousin looked happy. And here she was, struggling to find that same happiness he had.

Wala sa sariling napatingin siya kay Phoenix, at ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng mahuling nakatingin din ito sa kaniya.

'I miss you', Phoenix mouthed at her.

Kaagad siyang nagbaba ng tingin baka mapansin ni Titus ang pagtititigan nila ni Phoenix. Ayaw niya ng gulo. Ayaw niyang mapahamak na naman si Phoenix ng dahil sa kaniya at ayaw niyang maging masamang tao si Titus ng dahil dito.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now