Zara: Daddy's Little Girl

2K 13 0
                                    

ZARA 

(Daddy's Little Girl)

By: DeathStar34/Alexa May Cue

Entry for The X Factor Wattpad first round

~~~  

Taong 2013

"Zara, iha. Nandito na ang papa mo!" pagbibigay alam ni ginang Mercado sa labing-anim na taong gulang na dalaga. Nakatayo ito at nakatanaw sa labas ng bintana ng silid na kanyang inookupahan sa naturang institusyon.

Humugot na malalim na hininga si Zara, patuloy pa ring nakatingin sa mga batang naglalaro sa may swing na tanaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi ito kumibo o nilingon man lang ang babaeng nasa edad trenta na nasa bungad ng kanyang kwarto.

Narinig niya ang papalapit na hakbang nito at pagka'y naramdaman niya ang pagpatong ng palad nito sa kanyang balikat.

"Iha, magiging okay ang lahat. Huwag kang matakot." wika ni ginang Mercado, pinisil pa nito ang balikat ni Zara.

Gaisang linya ang mga kilay na tinitigan siya ni Zara, "paano ka nakakasigurong maging okay ang lahat, Paula?" anya sa mababang boses.

Nakasanayan na ng dalaga na tawagin si ginang Mercado sa unang pangalan nito kahit mas matanda ito sa kanya ng mahigit sampung taon.

Marahang ngiti ang isinagot ng ginang sa dalaga at nagsabing, "Magaling kana Zara. Sampung taon na ang lumipas. Sa mga ginawa naming eksaminasyong pangkaisipan sayo'y nasisiguro naming nasa maayos ka nang kundisyon"

Ngumiti ng mapakla ang dalaga sa tinuran ng kaharap na ginang, "Really?" may bahid sarkasmo sa tono nito.

Tumango ang ginang at hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti. " Halika na Zara, kanina ka pa hinihintay ni Mr. Zaragosa" anya at nagpatiuna ng lumabas ng silid. Muling humugot ng malalim na paghinga si Zara, kinuha ang isang hindi kalakihang maleta at isinukbit sa balikat ang bag pack. Inikot niya muna ang paningin sa kabuuan ng silid at pagkatapos ay sinundan na sa paglabas si ginang Mercado.

Sampung taon na ang nakakaraan, sampung taon niya ring hindi nakita ang ama niya. Sa tanang buhay niya'y ilang taon niya lang ba nakapiling ito? Mas matagal pa ang inilagi niya sa loob ng pang gobyernong institusyong kinaroroonan niya ngayon.

Halo-halong emosyon ang sumaklob sa kanya habang papalakad siya sa mahabang pasilyo patungong silid tanggapan ng institusyon. Galak , dahil muli niyang makikita ang ama; takot , sa maaring maging reaksyon ng ama sa muli nilang pagkikita at galit dahil muli na namang nabuhay sa kanyang ala-ala ang isang pangyayari sa nakaraan, isang pangyayaring nagdala sa kanya para mamuhay ng sampung taon kasama ang mga taong estranghero sa kanya.

Mula sa di kalayuan ay tanaw na niya ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Nakatalikod man ito'y alam niya ito si ginoong Alezandro Zaragosa, ang kanyang ama. Bumilis ang tibok ng puso niya lalo na't pumaharap sa kanya ang lalaking may edad na trenta'y siyete. At sa pagtama ng mata nilang mag ama'y sumariwa sa isipan ni Zara ang nakaraan...

~~~

Taong 2003

"Zara, apo, tama na muna yang paglalaro mo. Halika ka na rito't paparating na ang papa mo!" tawag ni ginang Soledad sa anim na taong gulang na batang babae na naglalaro mula sa bakuran ng kanilang bahay.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Zara na lumapit sa kanyang lola, "Narito na si papa?" namilog pa ang mga mata nitong napatingin sa matanda. Tango at ngiti ang isinagot ni ginang Soledad sa tanong na apo. Inayos nito ang medyo nagulong pagkakaipit ng buhok ng bata at pinunasan ang pawis sa noo.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon