Sleeping With Sirens

3.1K 33 15
                                    

Sleeping With Sirens

By: DeathStar34/ Alexa May

~~~

[PLR Valentine Writing Contest Entry - Second Place]

~~~

Ang pag-ibig, hindi 'yan hinahanap, kahit ba magsearch ka sa google at facebook kung hindi pa rin dumating 'yung para sa'yo ,wala pa rin, forever ka na lang nganga sa harap ng monitor ng computer mo.

Ang pag-ibig ay hindi din napipigilan. Kahit nagpromise ka sa sarili mo at kinanta pa ang 'I swear by the moon and the stars in the sky' na hindi kana iibig pang muli, kapag tinamaan ka ng pana ni kupido, automatic na mag tugudugstugsdugs yang puso mo. Tibok 'yan ng puso, medyo O.A na tibok.

Ang PAG- IBIG ay isang FUNDing Institution.. ay hindi pala.. joke lang yan! Nagjojoke ako eh, halata naman diba? Oh ito, seryoso na.

Ang PAG-IBIG ay kusang dumarating at hindi napipigilan. Hindi natin namamalayan na nahuhulog na pala ang kalooban natin sa isang tao kahit hindi natin ito ginusto at kahit sa maling pagkakataon. Ibang klase din kasi ang PAG-IBIG eh, walang pinipiling tao o oras, hindi inischedule ang pagdating, wala ding requirements sa kung kanino ka iibig o walang criteria for judging na kailangang may 25% beauty , 25% intelligence at 50% audience impact sa taong kailangan mong ibigin. Kasi kung talagang TOTOONG PAG IBIG ang tumama sa iyong puso, ventricular tachycardia ang abot mo. Hindi mo yan mapipigilan kahit ano pang gawin mo, kahit uminom ka pa ng procainamide o magpa defibrillate ka pa.

Teka, dami ko nang sat-sat tungkol sa pag-ibig na yan. Related ba yang pinagtatype ko sa taas sa kwento ko? Hmm.. Basahin niyo na nga lang at baka nga may relationship ang PAG-IBIG na sinasabi ko sa kwento nina Shion 'Sawi' Orteza at ni Pia 'Pilya' na walang apelyido kasi..basta!!  

~~~ 

Malakas na ang ihip ng hangin. Rinig na rinig sa buong paligid ang hampas ng nagagalit na alon ng dagat. Walang mga bituin , solong-solo lang ng biluguang buwan ang kalangitan. Riding solo ang peg ni full moon,fumofor-ever alone 'yan tulad 'nung sa baba niyang lalaki.

Pagewang-gewang na naglalakad sa may dalampasigan si Shion na may hawak na bote ng red horse beer sa kanang kamay. Tamado na yata ito sa iniinom na serbesa, umepek sa kanya ang linyang 'ito ang Tama' sa patalastas ng naturang beer. Umupo ito sa pampang. Abot ng alon ng dagat ang kalahati ng katawan niya ngunit wala itong pakialam kung nababasa na siya ng malamig sa balat na tubig-dagat. Tumingin ito sa madilim na dagat at bigla na lamang kumanta ng pasigaw.

'Met a girl at seventeen, thought she meant the world to me so I gave her everything. She turned out to be a cheat, said she's been thinking for a long time and she found somebody new. I've been thinking that this whole time'

"Peste namang buhay 'to oh! Bakit lagi nalang akong sawi sa pag-ibig!" sigaw niyang wika tsaka tinapon sa dagat ang bote ng redhorse.

Siya si Shion Orteza a.k.a Shion Sawi kasi laging sawi sa pag-ibig. Ilang babae na ba ang sineryoso niya ngunit iniwan lamang siya. Kaya ang peg niya? Luhaan nalang lagi. Oo, iniiyakan niya lahat ng babaeng nanloko sa sa kanya. Eh sino ba naman kasi ang hindi iiyak at masasaktan diba? Sineryoso mo tapos lolokohin ka lang. Ang sakit noon eh, naapakan pa ang pride mo na dati'y mas matangkad pa sa'yo. Laslas pulso na . oops, hindi pala, hanggang pagpapakalunod lang sa alak itong si Shion, hindi pa niya nagawang maglaslas. Masakit na nga puso niya, dadagdagan pa niya ang sakit kung maglalaslas siya diba? Isa pa'y sayang naman ang isla niya kung matsutsugi siya. Walang magmamana, malaki pa naman ang kita niya mula sa islang binigay sa kanya ng ina niya. At isa pa'y hindi nakakamatay ang paglalaslas unless naubusan ka ng dugo leading you to hypovolemic shock which is a rare case naman. Ang paglalaslas ay gawain lamang ng mga taong nagpapansin o ng mga atensyon seeker. Kaya okay lang sa kanya yung hanggang sakit nalang ng ulo dahil sa hang over kaysa sa paglaslas. Ang rason niya'y kahit paano naiibsan ng espirito ng alak ang sakit niya sa puso, nakakatulog pa siya ng mahimbing dahil sa alak. Eh kung naglaslas siya, maoospital siya, sasalinan ng dugo ng kung sino lang, matatahi ang pulso at magbabayad pa ng malaking hospital bill, eh di mas nakadagdag problema pa yun kaysa sa hang over at heart ache diba? Paka practical ka, i-alak nalang yan, sa halangang bente syete pesos, solb kana eh!.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon