You're Not Alone

3K 51 9
                                    

                                 YOU"RE NOT ALONE

                     ( A continuation for I am Invisible)

                                          By: DS34

---

Ang sakit ng ulo ko pero mas masakit ang puso ko. Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari noong isang araw. Kasama sa naganap na pagsabog si Raymond. At lubos na lubos ang dalamhati ko sa nangyari sa kanya. Ang lalaking unang pumansin sa akin, ang lalaking nagpasaya sa akin araw araw sa paaralan, ang lalaking mahal na mahal ko'y ngayon wala na. Patay na siya,ang sakit sakit eh. Parang hiniwa at tinadtad ang puso ko lalo na't nakita ko mismo sa aking mga mata ang kanyang pagkamatay.

Laging tumatakbo sa isipan ko ang eksena na pagsabog at ang mga huling katagang sinambit ni Raymond bago ito nilamon ng apoy. Bakit niya 'yun ginawa? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit niya ako iniwan? Akala ko ba gusto niya ako kasama araw-araw-na habang buhay kami magkakasama pero bakit naman iniwan niya akong mag-isa at nasasaktan.

Bakit Raymond? Bakit? Ang sama mo, iniwan mo ako. Ganun ba ang ibig sabihin ng pagmamahal sa iyo? Ang iwanan ako? Ikaw na nga lang ang nag iisang nakakasama ko rito. Ikaw na nga lang ang tanging lalaking minahal ko ng ganito.

Araw araw nalang akong umiiyak habang nakaupo sa may bench kahit nasa loob ako ng classroom. Ramdam ko din ang dalamhati ng buong klase sa kinasapitan ni Raymond. Ngunit kahalo ng dalamhating nararamdaman nila'y mga takot din na nakikita ko sa kanilang mga mukha. Hindi ko alam kung bakit sila natatakot.

Lumipas pa ang dalawa hanggang tatlong araw pero walang nagbago sa pighating nararamdaman ko. Mas lumala pa nga ito. Hindi na ako nakikinig sa klase, palagi lang akong umiiyak. Wala akong pakialam kung marinig man nila ang iyak ko. Eh sa nasasaktan nga ako sa pagkawala ni Raymond. Lagi kong pinupuntahan ang lugar na kinagapanapan ng pagsabog--sa may old library. Pinagmamasdan ko ito't umaasang mula sa sunog at nagkapirapirasong parte ng old library ay lumitaw si Raymond,pero hanggang sa mapagod ako'y walang Raymond akong makikita. Minsan nga'y sinisisi ko pa ang sarili ko sa nangyari kay Raymond. Hindi sana siya pupuntahan doon at magpapakamatay kung hindi ko sinabi rito kung anong meron sa old library noong mga panahong tinanong niya ako.

---

Pang apat na araw mula ang masaklap ng trahedya.

Nakaupo ako sa paborito naming bench ni Raymond sa may hallway, umiiyak ako't yakap ang sarili ko. Napalingon ako sa mahabang hallway nang may marinig akong mga yabag. Sa luhaang mga mata'y nakita ko ang papalapit na grupo ng mga tao. Naroon ang mga guro ko, ang principal namin maging ang mga magulang ni Raymond, kapwa nakapang itim ang mag asawa ng kasuotan sumisimbolo ng kanilang pagdadalamhati din sa nangyari sa kanilang anak. May nakita rin akong kasama nilang medyo may katandaang lalaki na nakasalamin at nakasuot ng sutana. Sa isang kamay nito'y may hawak siyang maliit na bote at winiwisik wisik sa paligid ang laman nitong likido. Ang mga tao naman sumusunod rito na may hawak ng mga nakasinding kandila.  

Nagtaka ako sa kung anong ginagawa nila pero mas nagtaka ako nang makita ko mula sa grupong may hawak ng kandila ang aking mga magulang. Anong ginagawa nila rito? Bakit hindi nila sinabing pupunta sila ngayon sa paaralan ko? At bakit ganun ang mukha nila? Ang lungkot- lungkot ng anyo nila pareho lalo na si mommy na mukhang nangangayat at namamaga ang mga mata. Umiiyak ba ito? Bakit?  

Tumigil sila mga limang metro mula sa kinaroroonan ko't muling naglakad pabalik sa pinanggalingan nila. 

"Dad!mom!" sigaw ko pero kapwa silang hindi lumingon. Sa tingin ko'y hindi nila narinig ang tawag ko sakanila. Sinundan ko sila ng pupuntahan.  

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon