I am Invisible

8.6K 57 23
                                    

I AM INVISIBLE

By: DS34 / Alexa May

A story based on my dream.

12-27-2012

---

Mag iisang oras na akong gising, nakaligo na at kasalukuyang kumakain pero sariwa pa rin ang eksenang nangyari sa akin. Gayundin ang hindi ko maipaliwanag na damdamin.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? NAPAKA WEIRD lang kasi talaga.

"Hindi ko ito dapat palampasin, kailangan ko itong maisulat," wika ko sa sarili ko. Ako kasi yung tipo ng tao na kung may nararamdamang kakaiba'y sa papel ko ipinapaliwanag o kinekwento. Sa katunayan nga'y may mini diary ako.

"Kaso matatapos ko naman kaya kaagad ang pagsusulat? Eh may pasok na ako mamaya?" patuloy pa rin ako sa pagkausap sa sarili ko.

"Hay! Bahala na nga," At napabuntung hininga ako habang tinatapos ang agahan ko.

~~

Napahugot ako ng malalim na hininga habang papasok ako sa gate ng paaralan ko. It's been a month mula noong huling pasok ko. Kilala pa kaya ako ng mga tao? May nakamiss kaya sa akin rito?

'Kilala ka, oo pero may nakamiss sayo? Asa ka naman Emily Anne! Nakalimutan mo na bang INVISIBLE ang tingin nila sa iyo?' sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Napangiwi na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nasabi kong isang buwan akong hindi pumasok. Nakaratay kasi ako sa hospital sa mga panahong yaon. May sakit kasi ako pero hindi ko alam kung ano. Ayaw sabihin sa akin ng mga magulang ko. Ewan ko ba kung bakit, hindi ko alam kung malubha ito't nakakamatay o kung ano pa. Ang alam ko lang, mahina ang resistensya ko't kaya lagi ako nagkakalagnat, nanghihina tapos nagkakapasa ako ng malalaki at bigla-bigla na lamang nahihimatay. Suki nga ako ng hospital sa amin eh, halos buwan-buwan ako nahohospital pero ang pinakamatagal kong paglalagi ay kamakailan lamang.

Nasa pinakadulo ng building ang room ko. Humihingal na ako ng pumasok ako. Hindi nila napansin ang pagpasok ko. Magulo sa loob, ang iingay ng mga kaklase ko. Dirediretso akong umupo sa pinakaunang upuan sa second row, yun kasi ang permanenteng upuan ko sa klase. Pati ang seatmate kong si Kris, hindi ako pinansin. Well, ganun naman kasi pag ikaw yung INVISIBLE sa klase eh, hinding hindi ka pinapansin. Tama po kayo ng pagkakabasa, INVISIBLE po ako sa paaralan ko. Parang hindi ako nag eexist sa paningin ng mga kaklase ko. Lagi akong mag isa, walang kasama, walang kumakausap, walang kaibigan. Inaakala siguro nilang nakakahawa ang sakit ko kaya ako nilalayuan at hindi pinapansin. Pero sanay naman na ako eh, buti nga pinapansin ako ng mga guro ko kapag tinatawag nila ako sa recitation.

Napalingon ako kay Kris nang marinig ko ang malakas niyang pagbuntung hininga. Nagulat ako, nakatingin din kasi siya sa akin pero blanko ang expresyon ng kanyang mukha. Ngumiti ako sakanya pero hindi niya ito ginantihan ng ngiti bagkus ay nagtakip ito ng mukha at inilapag ang ulo sa kanyang desk.

Napalingon naman ako sa kanang gawi ko at nakita ako si Grace, ang pinakamatalino sa klase namin. Nakasalamin ito ng makapal at laging nakasuot ng mahahabang palda't long sleeve, nerd for short. Nakatingin din ito sa akin kaya nginitian ko siya pero tulad ni Kris, hindi niya ako nginitian. Nagtaka ako, bakit hindi niya ako nginitian ngayon? Dati-rati kasi'y kapag nginingitian ko siya ay ngumingiti din ito sa akin.

Ilang sandali pa ay biglang nagsitahimik na ang buong klase. Dumating na kasi ang guro naming si Mrs. Crisostomo. Dirediretso ito sa harap at inilapag ang gamit sa kanyang mesa. Napatingin ito sa kinauupuan ko, ngumiti ako sa kanya. Napailing lang ito pagka'y nag umpisa na siya ng kanyang leksyon.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon